OPM as in Organisasyon ng Pilipinong Mang-aawit: BUHAY PA! Sila yung makikita mo lagi sa news na mga matatandang singers na nagrereklamo kung bakit dumadagsa ang foreign acts sa Pinas. Kasalanan din nila kasi panay naman ang cover nila ng mga foreign acts sa mga gig nila e. Kung ano ang nagpapayaman sa nakakatanda, sya ring gagayahin ng mga bata. Tulad ng ASAP Sessionistas.
OPM as in Original Pilipino Mainstream: PATAY NA! Dahil FM Radio at TV ang current na basis natin kung ano ang "mainstream", naghihingalo na talaga ang lagay ng mga original na Pilipinong kanta. Tanungin mo ang sarili mo kung ano ang huling original na Pinoy song na kaya mong kantahin kahit walang lyrics na nakikita kasi paulit-ulit mong naririnig sa radyo. Yan ang mainstream. Kung OPM para sa yo ang Pusong Bato tsaka yung Phone Na Nokia Di Sinasadya ni Bugoy Drilon, laos ka pa rin kasi lumabas yun bago mag-2010. Anong taon na?
OPM as in Original Para Mayaman: 50/50. Yung mga may pangalan na sa industriya tulad ng Parokya Ni Edgar, Sandwich, Urbandub, Gloc-9, Itchyworms, masasabi nating malaki na ang perang nakukuha nila sa trabaho nila. Pero yung mga bagong banda na naghihirap ngayon para mapansin, sorry, yan talaga ang simula ng lahat. Cliche, pero bukod sa hard work, swertehan din lang yan. Pakinggan nyo na lang yung kantang Popmachine ng Eraserheads. Lahat pare-pareho ang tanong, "Kailan ba ako makikilala? Kailan ba ako magkakapera?"
OPM as in Original Pilipino Music: BUHAY NA BUHAY! Alam nyo, dalawang taon ako nabuhay sa Singapore. Isa sa mga common icebreakers sa opisina doon kapag nalaman na Pinoy ka eh "So you're Filipino, you must sing very well!". Legendary ang passion ng mga Pinoy para sa music. Yan pa lang, masasabi mo nang bullshit ang "OPM is Dead" e. Ngayong nakabalik na kami sa Pinas, ang unang inatupag ko e pumunta sa Saguijo para pakinggan yung mga bagong banda. Nasa incubation period pa ang next batch ng mga legendary acts, pero mahuhusay talaga sila. Isa sa mga paborito ko: Stickfiggas. Seriously, panoorin nyo sila nang live.
Wala na ang NU107. Boo-frickity-hoo. Pero teka, nakanood ka na ba ng Dig Live From A Portalette sa DigRadio? Eh nakakanood ka ba ng mahuhusay na Tower of Doom Sessions? Ano ang paborito mong video sa SplintrDotCom? Eh yung habit-forming Java Jam Mondays, Rock Bato Wednesdays, tsaka Live at 2299 Thursdays sa Radio Republic? Kung ang definition mo ng OPM e NU107 at yung LA105-powered 90s alternative rock scene, kasalanan mo yan kasi hindi ka na naka-move on. I pity you.
Bilang pagtatapos sa "OPM is Dead" issue na ito, I shall quote one Original Pilipino Musician's tweet almost one week, I repeat, ONE WEEK bago lumabas yung Philippine Star article :
Na senti kanina sa Ang Nawawala gig habang pinapanood and mga bata. Buhay ang eksena. Padayon.
— Myrene Academia (@Mapins) August 18, 2012
1 comments:
This is OPM 2006
http://tabachoi.blogspot.com/2006/11/tabachois-top-20-pinoy-songs-of-2006.html
Sana gumawa ka ng 2012 Version to see the current state of OPM
I know it's not dead but has just gone underground
Post a Comment