Friday, August 19, 2016

Tito Hits

Yehey nabuhay ako ulit for the nth time! Seryoso tinatamad na akong mag-update ng blog na to kasi wala na akong ibang sinulat kundi tungkol sa Eraserheads.

Naisipan ko lang mag-blog ulit kasi napapansin kong may namumuong bagong wave ng mahuhusay na Pinoy bands. Bukod sa mga batang bandang to, andami ring nilalabas na magagaling na album ng mga beterano.

Pero mula ngayon, papalitan ko na ang blog title ko from "Tutuli sa Tenga ni Tabachoi" to "Tito Hits ni Tabachoi" for obvious reasons:


  1. Tumatanda na ako, wala na kong oras pumunta ng sa mga gig 
  2. Bilang isang tito, nasasayangan na ako sa oras ko makinig sa bawat bagong kantang lumalabas
  3. Wala na rin akong pasensya sa mga bagong bandang may pa-cute na bokalista
  4. May nagbabasa pa ba nitong blog ko? Wala na yata e kaya pakyu imma do what I want.

So there. Sana makapag-post na ako ulit and I will try my very best na hindi lang puro Eraserheads ang laman ng blog ko. Thanks!

Monday, January 11, 2016

Thank You, David Bowie


"Kung maka-thank you ka kay David Bowie parang true fan ka ah?"

Honestly, fan lang ako ng 1970s David Bowie. Astig lahat ng ginawa nya nung late 60s and 70s (well, lahat naman ata ng sumikat nung period na yun, astig e). Wala na akong alam na ginawa nya from the 80s onward, except siguro sa "Under Pressure" (with Queen) tsaka sa pagiging King of the Goblins nya sa movie na "Labyrinth" (na hindi ko na rin maalala ang kwento bukod sa magaling sya mag-"juggle ng balls" LOL)

"So poser ka lang talaga at nakikisakay sa trending na tributes kay David Bowie?"

Ang dahilan ng pasasalamat ko kay David Bowie ay parang pagpapasalamat ko sa parents ng misis ko: kung wala sila, wala akong mga mahal sa buhay ngayon. 

Yung mga ini-idolo ko, na-impluwensyahan ni Bowie. 

Kung wala ang masterpiece na concept album ni David Bowie na "The Rise and Fall of Ziggy Stardust and the Spiders from Mars", magkakaroon ba ng "Fruitcake" ang Eraserheads o "Noontime Show" ang Itchyworms? 

Ayaw mong maniwalang may influence si David Bowie sa Eraserheads?
 
(Ely Buendia & The Diamond Dogs - Ziggy Stardust)

Para sa kin, isa sa mga pinakamagandang live albums na ginawa sa buong history of the world, the universe rather, ay ang "MTV Unplugged in New York" ng Nirvana. Kilala nyo ba ang Nirvana? Yung may drummer na kamukha ng vocalist ng Foo Fighters? Oo sila nga. Alam nyo yung pinakamagandang kanta sa album na yon? Hindi kanta ng Nirvana. Kanta ni David Bowie:
Nirvana - The Man Who Sold The World (MTV Unplugged)

Pag nagtanong ka sa mga batang 90s ng "Sino pa ang mga 90s rock icons na hindi Nirvana?", bawat isa sa kanila, siguradong may David Bowie cover sila at one point in their career: 

Smashing Pumpkins - Space Oddity

Red Hot Chili Peppers - Suffragette City

Oasis - Heroes

Eddie Vedder (Pearl Jam) - Under Pressure

Chris Cornell (Soundgarden) - Lady Stardust

Stone Temple Pilots - Andy Warhol

O kung di ka maka-relate kasi hindi ka 90s kid at namulat ka sa mga kanta ni Justin Bieber:

The Used and My Chemical Romance - Under Pressure 

Patrick Stump (Fall Out Boy) - Life On Mars

Hindi mo lang siguro alam, pero yung mga gusto mong mga banda ngayon, na-impluwensyahan ng bandang naimpluwensyahan ni David Bowie. 



Bonus: Alam nyo kung kaninong kanta ang kauna-unahang musical recording na ginawa sa outer space?



Wednesday, April 08, 2015

Thank You, Urbandub!

Isa ako sa mga nag-akalang prank ng banda yung April 1 post sa Facebook page ng Urbandub:


Noong may news sites na nag-verify na hindi sya pang-April Fools, hindi na ako natawa. May kilala pa nga akong seryosong naiiyak pag naiisip nyang magdi-disband na ang Urbandub.

Hindi na ako sasabay sa mga magb-blog ng "I'm a real Dubista cos I was there from the start, here are some pictures". Pero sana sa munting blog post na ito, makapagpasalamat ako sa banda.


Sorry, hindi ako marunong mag-Bisaya, pero sana maka-abot sa banda ang message na ito:

Dear Gabby, Jan-Jan, John, and Lalay,
 

Maraming maraming maraming salamat sa inyo. Naging malaking part na ng buhay ko at ng maraming tao ang music ninyo.

Noong nagkaroon na ako ng pera para makabili ng sarili kong bass guitar, mga kanta nyo ang gustung-gusto naming tugtugin ng mga kaibigan ko.


Noong nagsisimula pa lang matutong mag-drums ang anak ko, kanta nyo lang ang gusto nyang sabayan:



Hinding-hindi ko rin makakalimutan yung birthday ko nung 2010. Isa ako sa mga swerteng nabigyan ninyo ng invite para maging audience sa "super secret taping" ng 10th anniversary concert nyo ("Alive Out There with the Manila Symphony Orchestra"). Bawal kumuha ng video nun, pero sabi nyo nga dito sa kantang to, "great moments, they pass by, if you're careless"


Sa May 9, kasama ko ang mga kaibigan ko, pati na ang anak ko, para mag-celebrate ng 15th anniversary ninyo. Ayaw kong isipin na ito na ang last dance. Alam kong magkikita-kita pa rin tayo.

Thank you for the music, Urbandub. In our hearts, you'll stay.

Permanent.






Friday, September 05, 2014

Eraserheads - 1995

Kung nasusundan nyo tong blog na to, siguro naman may idea kayo kung ano ang pinaka-paborito kong banda, dahil 80% yata ng blog na to e tungkol sa kanila. At malamang alam nyo na rin siguro ngayon na may nilabas silang dalawang bagong kanta, ang "Sabado" at "1995"

ANO?! HINDI MO ALAM? Sorry ha, hindi kasi tungkol sa milagrong ginawa ng Esquire ang isusulat ko na to e. Eto basahin mo na lang.

Tungkol kasi to sa pagkakaintindi ko sa "1995". Pakinggan nyo muna at basahin ang lyrics.



Saan? Saan na napunta?
Kislap ng yong mata
Ay babalik pa ba?

Ngayon ang langit ay bughaw
At siya'y sumasayaw, ako'y nasisilaw

Sa labas sila'y naglalaro
Hindi makatayo
Sinong sasalo?

At kung hindi naman sa yo
Ay wag mong angkinin
Dyan ka magaling

Ngayon ang langit ay bughaw
At siya'y sumasayaw, nabulag sa araw.

Pwede bang sunugin ang tulay?
Ayokong sumabay
Sinong papatay?
Ako'y naghihintay
Sa 1995

1995

Pwede bang sunugin ang tulay?
Ayokong sumabay
Sinong papatay?
Ako'y naghihintay

Saan? Saan na napunta?
Kislap ng yong mata
Ay babalik pa ba?
Tungkol saan to? Isang araw, naka-chat ko ang isang aking fellow Eraserheads fan at naging ganito ang usapan namin, because we're fanboys like that.

  

Ayun na nga, para daw sa mga nagpupumilit ibalik sa nakaraan ng Eraserheads ang 1995.

Pero nito lang, matapos kong makuha ang Esquire copy ko, pumunta ako sa event kung saan tumugtog ang isang bandang binuo ng mga myembro ng Sandwich + Pupil + The Dawn + Markushighway. Nandoon yata halos lahat ng mga bandang umiidolo, at yung iba nga ay natulungan pa, ng Eraserheads.

Bigla na naman akong nagka-epiphany:

Tungkol sa OPM ang 1995.

Para maintindihan nyo ako, ililista ko lang ang ilan sa mga significant na pangyayari sa OPM noong 1995:
  • Nilabas ni Francis Magalona ang kanyang masterpiece album, ang "Freeman"
  • Nanalo ang Color It Red bilang Best New Artist sa Awit Awards para sa kanilang debut album, ang "Hand Painted Sky"
  • Nilabas ng Teeth ang kanilang self-titled album, kung saan galing ang "Laklak" at "Princesa"
  • Nilabas ng True Faith ang "Build", kung saan nanggaling ang mga kantang "Hi", "Alaala", "Kundi Rin Lang Ikaw", at "Baliw"
  • Nagpaalam ang The Dawn sa pamamagitan ng farewell tour para sa album nilang "Puno't Dulo" kung saan galing ang "Salimpusa" at "Talaga Naman"
  • At syempre, nilabas ng Eraserheads ang isa sa kanilang pinakamahusay na album, ang "Cutterpillow". 
Pag hindi mo alam kung ano ang Cutterpillow, umalis ka na sa site na to. Shoo!

1995 pa lang yung mga nabanggit ko ha, hindi ko pa nasasabi kung ano yung mga nangyari noong 1994:
  • Nilabas ng Eraserheads ang "Circus", na rival ng Cutterpillow para sa "Best Eraserheads Album Ever"
  • Nilabas ng Yano ang self-titled album nila kung saan galing ang mga kantang "Kumusta Na", "Banal Na Aso", "Tsinelas", "Esem"
  • Nilabas din ng Alamid ang kanilang self-titled, kung saan naman galing ang kantang "Your Love"
  • AT ipinakilala sa ating lahat ang bandang Rivermaya (lineup: Bamboo, Rico Blanco, Nathan Azarcon, Perf De Castro, Mark Escueta) through their self-titled album kung saan galing ang "Ulan", "214", at "Awit ng Kabataan"
Galing ng 1995 no? OPM ang nag-dominate sa radio, considering malalakas ang foreign artists noon tulad ng Pearl Jam, Sepultura, Alice in Chains, Soundgarden, Rage Against The Machine, Pantera, tsaka yung The Reyd Hat Chili Peypers Band tsaka lahat ng klase ng grunge, tsaka death metal, ok?

Teka humahaba na yung blog ko baka ma-TL;DR na ako nito. Gamit ang aking primitive powers of analysis and interpretation na limited lang sa Humanities 1, sinubukan kong himay-himayin ang "1995" at bigyan ng kahulugan ang mga letra:
Saan? Saan na napunta?
Kislap ng yong mata
Ay babalik pa ba?
"Dear OPM, seriously, what the fuck happened?" 
Ngayon ang langit ay bughaw
At siya'y sumasayaw, ako'y nasisilaw
"Ngayon, dahil sa internet, wala na ang shackles ng pagkakaroon ng record label. Napaka-high tech na ngayon, sobrang dali nang makapag-produce ng album."
Sa labas sila'y naglalaro
Hindi makatayo
Sinong sasalo?
"Pero bakit ganon? Yung mga tinuturing nyong legends na ng OPM, kailangan pang magpunta sa ibang bansa para kumita."
At kung hindi naman sa yo
Ay wag mong angkinin
Dyan ka magaling
"Yung mga sikat naman ngayon dito sa Pilipinas eh wala namang ibang ginawa kundi mag-revive lang ng mga kanta ng ibang tao."
Pwede bang sunugin ang tulay?
Ayokong sumabay
Sinong papatay?
"Parang ayaw ko nang sumulat ng kanta, kasi wala naman yatang patutunguhan tong gagawin ko e. Di rin susuportahan ng mga Pilipino."

Ako'y naghihintay
Sa 1995

"Nakita namin noon ang glory days ng Original Pilipino Music. May pag-asa pang bumalik ito."

Wednesday, August 13, 2014

Sweet Child O' Mine

Pag may gitara ka, imposibleng hindi mo nasubukang tugtugin ang intro ng Sweet Child O' Mine. Kasama nya ang "Stairway to Heaven" tsaka "Smoke on the Water" sa listahan ng "Overplayed Guitar Intros While Testing A Guitar"

Actual sign on some guitar store

Para sa inyo tong mga walang alam kundi intro ng Sweet Child. Hanapin na ang mga kainuman at sabay-sabay kayong mangarap habang pinapanood ang video na to! Hehe



Thursday, November 21, 2013

Tabachoi's Top 20 Songs of 2013

May isang anonymous comment dun sa sinulat ko na Nakikiuso sa OPM is NOT Dead na nagre-request ng 2012 version ng Tabachoi's Top 20. Nakatulog ata ako noon, ngayon lang ako nagising e hehe.  Sorry, Anonymous, bawi na lang ako sa yo ngayon tol. Start na? Game.



20. Chicser - Hello I Love You


MGA ULUL, HINDI YAN! Hahaha ibang chickboy group pala:

Chicosci - Raspberry: Girl
Seryoso, anong pinagkaiba ng dalawang video na to? Parehong may mga nagpapa-cute na lalake. Parehong tungkol sa gerls yung kanta.

Ang sagot: si Ramon Bautista (bukod sa gusto mong hampasin ng dos por dos yung pagmumukha ng Chicser)

19. Bamboo - Carousel

From Pinoy rock's man of mystery to ABS-CBN's The Voice coach, hands down winner of my Sellout of the Decade Award. Sinasanay ko pa rin ang sarili ko na nakikita ko sya sa ASAP na kumakanta ng Backstreet Boys. Pero hindi naman ibig sabihin noon na wala na syang kwenta. Eto ang proof.



18. Ebe Dancel - Lapit

Buti na lang, bukod kay Bamboo, wala nang ibang frontman ng sikat na banda na humiwalay para mag-solo career no? Ay. Sorry. May isa pa nga pala. Pero wala akong masabi sa galing ng album ni Ebe na to, yung "Dalawang Mukha Ng Pag-Ibig" a.k.a. "the best Sugarfree album never made". Sample lang tong "Lapit" kung gaano kasarap sa tenga ang album na yun.



17. Paul Armesin - Segundo (performed by Yael Yuzon)

Noong unang beses kong narinig to, akala ko talaga bumalik na yung Sponge Cola sa panahon ng "Palabas" (yung unang album nila). Natuwa ako sa lyrics tsaka sa melody e. Yun pala finalist to sa Philpop Music Festival 2013, si Paul Armesin ang sumulat.



16. WOW! Triple Tie!
Shehyee - Trip Lang 

Abra - Ilusyon 

Ron Henley - Atat

Triple tie kasi parang halos pare-pareho ang beats per minute, style ng rap, pati yung paglagay ng magandang babaeng kumakanta ng chorus. Pero sigurado ako, napa-indak ka rin habang nakikinig sa mga kantang yan. Sarap sabayan no?

13. Gloc-9 feat. Zia Quizon "Katulad Ng Iba"

Anti-bullying song na mas maganda pa sa kahit anong nilabas ni Gloc-9 for the past 4 years, siguro dahil si Zia Quizon ang kumakanta ng chorus kaya hayyy trulab <3


12. Oktaves - Paakyat Ka Pa Lang Pababa Na Ako 
Kung hindi nyo pa napapakinggan yung Oktaves, isa ito sa mga bandang pwede mong iregalo sa erpats mo yung CD tapos mage-enjoy kayong dalawa sa mga kanta nila. Tapos kakantahan ka ng erpats mo ng "Paakyat Ka Pa Lang, Pababa Na Ako" hahaha


11. Flying Ipis - Past is Past, Bitch!

Astig talaga tong bagong all-girl band na to. Post-punk. Mas ok to kesa dun sa isang all-girl band na pang-FHM. Kung napatalon ka na sa studio version ng kantang to, panoorin nyo sila live. Ayos sa energy.

10. Greyhoundz feat. Loonie and Biboy Garcia - Ang Bagong Ako

Si Loonie ata yung rapper ngayon na dapat nilalagay mo sa "featuring" ng kanta mo, kung gusto mong umastig. Kahit ata yung "Jumbo Hotdog" ng Maskulados, pag nilagay mo dun si Loonie, magkakaroon ng respeto ang mga tao sa kanta e. E pano kung astig na bandang tulad ng Greyhoundz ang sinamahan ng Loonie? Eto, mamatay ka sa kaastigan.

9. Save Me Hollywood - High

Eto para sa kin ang Paramore ng Pinas. Sabi kasi sa akin ng isang kakilala ko, Gracenote daw e. Tsaka hindi ko rin alam kung bakit dapat may "Paramore ng Pinas". For argument's sake, parang Avril Lavigne kasi yung dating sa kin ng Gracenote. Mas mapapagkamalan mong Paramore song to kesa dun sa "Stop Stop".


8. Moonstar88 - Gilid

Oh em gee! Gash! Eouwh pfoehz! Ang kyut kyut pa rin ng kanta ng Moonstar88, considering na 13 years old na ang "Torete". Hayaan mong mag-away ang fans ng Gracenote at Save Me Hollywood, kasi sa akin, Moonstar88 pa rin talaga ang official songwriter ng Pinoy teenage girl problems.


7. Haunted - Ely Buendia (Theme from Bang Bang Alley)

Kumuha na naman si Ely ng inspirasyon sa Beatles doon sa intro ng "I Want You (She's So Heavy)". Feeling intro din ng Bond movie.

6. Sandwich - Back For More

Parang burger ng Jollibee, binabalik-balikan ko ang "Five On The Floor recipe" ng Sandwich: 150-160 beats per minute, recurring guitar riff, some experimental guitar/synth/loops, and that basic kick drum-bass guitar relationship that glues everything together. Nag-english pa ako para i-describe yung trademark na tunog nila, pakinggan nyo na lang, mage-effort pa ako e.



5. Rico Blanco - Lipat Bahay

Nostalgia ng dekada nobenta. Lahat ata ng lumaki noong 1990's makaka-relate sa mga ikinahon sa kantang to, except sa poster ni Dominique Wilkins LOL



4. Urbandub - Never Will I Forget

Lagi kong nako-compare ang bagong album ng Urbandub na "Esoteric" sa "Influence", kahit na 10 years ang pagitan ng mga album na yon. Para kasing yung babae sa kantang "Gone", nakita nya ulit tapos kinanta nya yung "Never Will I Forget"



3. Johnoy Danao - Dapithapon

1st runner-up si Johnoy sa Philpop 2013, pero hindi ito yung entry nya. Mas gusto ko to, kasi parang Jack Johnson ang pagka-laid back, tapos John Mayer ang pagka-bluesy. Si idol Johnoy ang Noel Cabangon / Gary Granada ng generation na ito.



2. Hiphop22 - Isang Jeep


Hiphop 22 is (in order) Loonie, Ron Henley, Abra, Apekz, Dash, Konflick, Jonan Aguilar, Klumcee, K-Jah, BLKD, Chi-nigg, D-coy, Mike Swift, Puting Kalabaw, Rhyxodus and Smugglaz.

Hindi ko kilala yung ibang rapper sa listahang yan, pero bilib na bilib ako sa nagawa nila. Noong unang narinig ko yan, sinabi ko sa sarili ko "TAENA ANLUPET!" Makalipas ang ilang buwan, yun pa rin ang sinasabi ko.

1. Up Dharma Down - Luna 

Ang #1 song ng 2013 para sa kin ay mula sa napakaganda at almost perfect album na "Capacities". Hindi ko na-realize na lampas isang taon na pala tong album na to. Hindi nakakasawang pakinggan kahit araw-araw na laman ng playlist ko ang mga kanta dito. Tulad nitong "Luna": hindi mapagkunwari ang letra: mas tumatagos sa puso kasi Tagalog, at universal ang tema. Pagdating sa tunog, "malinis" is an understatement.

Kung ang rate ng release ng Up Dharma Down ay 1 hit single per year, baka sa 2020 pa sila maglabas ng bagong album. Pero tingin ko by that time, hindi pa rin ako nagsasawang pakinggan ang album nila.


So that's it, kung sino ka mang nagtyagang magbasa nito! Sana sipagin ako at subukan kong gawing yearly countdown na to, hindi yung every 7 years.

Tuesday, April 16, 2013

Babies in Black : A Beatles Tribute

Ely Buendia and Clementine (The Camerawalls / Orange and Lemons) in a Beatles tribute gig. Kakoy Legaspi and Nitoy Adriano on lead guitar. Wowee Posadas on keyboards. Vengee Gatmaitan on bass (using Paul's Hofner 500/1 violin), and Benjie A. Santos on drums. Kate Torralba played in between sets.

Some moments of clarity during the show:
  • Kakoy can make his guitar sound like a sitar ("Within You Without You / Norwegian Wood")
  • Kakoy can also ovaries explode ("While My Guitar Gently Weeps")
  • "I Want You (She's So Heavy)" was face-melting.
  • I saw 3 (or maybe 4) generations singing along to "Hey Jude"
  • Real Beatles fans know the words to "Penny Lane" and "Come Together" by heart.

I went home a very happy fanboy. Looking forward to the next Beatles Night!

This is my YouTube Playlist of the gig. Individual videos below.

The Eggmen

Within You Without You + Norwegian Wood

I've Just Seen A Face

I'll Be Back

For No One

You've Got To Hide Your Love Away

I'm Only Sleeping

Dear Prudence

While My Guitar Gently Weeps

Kate Torralba - I Will

Ely Buendia and The Eggmen

Eight Days A Week

I Feel Fine

Help

I'm A Loser

You're Gonna Lose That Girl

Baby's in Black

She Said She Said

Nowhere Man

I Want You (She's So Heavy)

Here Comes The Sun

We Can Work It Out

Hey Jude

Encore

Penny Lane

Come Together

Saturday, April 13, 2013

Sandwich - Fat Salt and Flame

How much do you love a band?

Isa pa lang ang nami-miss kong album launch ng Sandwich. Hindi ako nakapunta sa "Contra Tiempo" launch kasi nasa ibang bansa ako nun.

Di tulad ng karamihan sa inyo, sa gabi ang pasok ko sa opisina. Gabi rin ang album launch. Hindi ako sure kung anong oras ang simula ng show pero sinabi ko na lang sa sarili ko, "Fuck this shit" at isina-walang bahala ang pagka-late sa trabaho.

Kita nyo yung location ng album launch? Nasa Quezon Ave MRT station ang Centris Walk. Taga-south Metro Manila ako. Ibig sabihin, para umabot sa oras na yan, kailangan kong sumakay ng MRT, during rush hour. Nagawa nyo na ba yun? Ni minsan di ko pinangarap na ma-experience yun. Pero sinabi ko na lang sa sarili ko, "Fuck this shit" at tiniis ang mga kili-kiling dumidikit sa balikat ko, habang binabantayan ang wallet at camera ko sa bulsa, habang nilalanghap ang amoy ng mga mandirigma.

Eto para sa kin ang ibig sabihin ng "Fat Salt & Flame" na title ng bagong album ng Sandwich. Pag trip mo ang isang bagay, kahit na sabihin nilang bawal sa yo at wala kang mapapala, sasabihin mo sa sarili mo yung "Fuck this shit" at itutuloy pa rin ang gusto mo. It's either yun ang ibig sabihin ng title, or inihaw na liempo hehehe

Pagdating sa tunog, kung pamilyar na kayo sa tunog ng Sandwich since "Five on the Floor", hindi na kayo maninibago sa album na to. Pero pag pinakinggan nyong mabuti yung lyrics, masasabi kong ito na ang pinakamahusay na sinulat ng banda. Malayo na mula sa "Shaun at Jopet" days.


Tinugtog nila lahat ng kanta sa album. Mapapanood nyo lahat dito, dahil malakas kayo sa kin. Kung nasa malayong lugar kayo at gusto nyo na ng kopya ng "Fat Salt and Flame", mabibili nyo ito sa mga sumusunod na suking tindahan:


Pray for Today
Sleepwalker
The Week After
New Romancer with Myrene and Mong on vocals

Kidlat
Mayday

Manhid
Back for More

At shempre, hindi mawawala ang mga fan favorites. Kung fan kayo ng Beastie Boys, panoorin nyo yung Procrastinator:

Nahuhulog

Cheese Factor Set to 9
Sunburn

Selos with Mong on vocals

Procrastinator / Sabotage (Beastie Boys)