"Kung maka-thank you ka kay David Bowie parang true fan ka ah?"
Honestly, fan lang ako ng 1970s David Bowie. Astig lahat ng ginawa nya nung late 60s and 70s (well, lahat naman ata ng sumikat nung period na yun, astig e). Wala na akong alam na ginawa nya from the 80s onward, except siguro sa "Under Pressure" (with Queen) tsaka sa pagiging King of the Goblins nya sa movie na "Labyrinth" (na hindi ko na rin maalala ang kwento bukod sa magaling sya mag-"juggle ng balls" LOL)
"So poser ka lang talaga at nakikisakay sa trending na tributes kay David Bowie?"
Ang dahilan ng pasasalamat ko kay David Bowie ay parang pagpapasalamat ko sa parents ng misis ko: kung wala sila, wala akong mga mahal sa buhay ngayon.
Yung mga ini-idolo ko, na-impluwensyahan ni Bowie.
Kung wala ang masterpiece na concept album ni David Bowie na "The Rise and Fall of Ziggy Stardust and the Spiders from Mars", magkakaroon ba ng "Fruitcake" ang Eraserheads o "Noontime Show" ang Itchyworms?
Ayaw mong maniwalang may influence si David Bowie sa Eraserheads?
(Ely Buendia & The Diamond Dogs - Ziggy Stardust)
Para sa kin, isa sa mga pinakamagandang live albums na ginawa sa buong history of the world, the universe rather, ay ang "MTV Unplugged in New York" ng Nirvana. Kilala nyo ba ang Nirvana? Yung may drummer na kamukha ng vocalist ng Foo Fighters? Oo sila nga. Alam nyo yung pinakamagandang kanta sa album na yon? Hindi kanta ng Nirvana. Kanta ni David Bowie:
Nirvana - The Man Who Sold The World (MTV Unplugged)
Pag nagtanong ka sa mga batang 90s ng "Sino pa ang mga 90s rock icons na hindi Nirvana?", bawat isa sa kanila, siguradong may David Bowie cover sila at one point in their career:
Smashing Pumpkins - Space Oddity
Red Hot Chili Peppers - Suffragette City
Oasis - Heroes
Eddie Vedder (Pearl Jam) - Under Pressure
Chris Cornell (Soundgarden) - Lady Stardust
Stone Temple Pilots - Andy Warhol
O kung di ka maka-relate kasi hindi ka 90s kid at namulat ka sa mga kanta ni Justin Bieber:
The Used and My Chemical Romance - Under Pressure
Patrick Stump (Fall Out Boy) - Life On Mars
Hindi mo lang siguro alam, pero yung mga gusto mong mga banda ngayon, na-impluwensyahan ng bandang naimpluwensyahan ni David Bowie.
Bonus: Alam nyo kung kaninong kanta ang kauna-unahang musical recording na ginawa sa outer space?
0 comments:
Post a Comment