Hay, revival na naman.
Huling beses na nakakita ako ng 8-track cartridge nung grade 4 pa ako. Kasabay noon ang kasikatan ng APO Hiking Society at the Dawn. Ngayong 2007, pagkatapos i-revive ng iba't-ibang banda ang mga kanta ng APO, at i-remake ng The Dawn ang kanilang mga lumang kanta, may nag-revive na rin ng 8-track.
Hindi na yung 8-track magnetic tape technology ang tinutukoy ko dito. Yung bagong labas na 8-track CD galing sa Bamboo, ang "We Stand Alone Together". Walong kanta na puro revival ng Bamboo ng mga kanta ng Pinoy artists na Buklod, Anak Bayan, Tillie Moreno & Ray-an Fuentes, at mga foreign artists Traffic, Pearl Jam, Carole King, Paul Simon, Seal, at Sting.
Disappointing ang album kung nage-expect ka ng 12 original songs na comparable sa unang dalawa (As The Music Plays, Light Peace Love). Kung yun ang hinahanap mo, i-download mo na lang tong album para hindi ka magwala sa 250++ pesos na gagastusin mo. Kung gusto mong marinig ang makalaglag brief at panty na boses ni Bamboo, at ang technical expertise ng bawat isang member ng banda nila, sulit tong album na to. Kung band member ka naman (bass or lead guitar, or drums) at gusto mong tingnan kung kaya mo nang sabayan ang Bamboo, humingi ka na ng pera sa nanay o sa asawa mo (or sa mga 2007 senatoriables) at bumili agad nito.
Naroon pa rin ang raw sound ng Bamboo sa mga revival, at walang newsworthy progress sa tunog nila. And that's not a bad thing. Kung meron mang ipagyayabang ang bandang ito, ito yung distinction nila bilang isa sa mga bandang Pinoy na kayang i-replicate ang tunog ng album nila pag live.
Magandang pakinggan ang CD 1 pag nilagay mo to sa mp3 player mo at magbiyahe ka papuntang opisina o school. Yun e kung 30 minutes lang ang byahe mula bahay nyo hanggang sa pupuntahan mo. Patugtugin mo yung Probinsyana paglabas na paglabas mo ng bahay para ma-pump up ka. Kung makasakay ka na, i-loop mo yung tracks 2-7 para makatulog ka sa sinasakyan mo. Tapos pag bababa ka na, patugtugin mo yung Tatsulok para ma-remind ka kung gaano ka-baluktot ang lipunan natin. Ayan, pwede mo nang simulan ang araw mo.
Pag-uwi mo ng bahay, kung may gitara ka o drum set, isalang mo yung CD 2. Dito ka mangarap na kaya mong palitan si Ira, Nathan, o Vic. Tuwang-tuwa ako sa mga Minus Ira tracks kasi may mga available tabs sa internet at masayang pampalipas oras ang mag-feeling gitarista ng Bamboo. Patugtugin mo yung These Days [Minus Ira] tapos gawin mo tong intro na to. Maaaliw ka.
|----3-----------------
|----3-----------------
|-3h4------------------
|------2-3--3-3-3--4h5-
|----------------------
|----------------------
Ayun. Ang CD2 ang sumulit sa pera ko. Tandaan, hindi available ang CD2 sa mga pirata dahil wala silang pakialam sa mga freebies ng orig. Support Original Pinoy Music. Naks.
Kung ako ang tatanungin, based sa album na to, mase-sense mo na pagod na ang Bamboo. Sana naman hindi pa ito ang last album nila. Nakakatakot kasi kung literal mong iintindihin yung sinulat ni Bamboo sa acknowledgements na "we come to a(n) end".
Kung may nais pa silang iparating, sinasabi nila sa CD2 (pati na rin sa inlay card) na hindi lang si Bamboo MaƱalac ang Bamboo. Pag inalis mo kahit isa sa kanila, hindi na sila Bamboo. Maiintindihan mo na walang katauhan ang mga kanta nila kung wala ang iyak ng gitara ni Ira Cruz. Wala silang kaluluwa kung wala ang lagatik ng baho ni Nathan Azarcon. Walang betlog ang Bamboo kung wala ang malupit na dagundong ng tambol ni Vic Mercado.
Nag-quote na rin lang ako sa inlay card, i-quote ko na rin si Bamboo bilang pagtatapos sa blog entry na ito:
"To the 3 that stand with me, my many thanks, cheers for a good 4 and half years.. but tomorrow's another day..and never we forget the law of the jungle because at the end of the day we stand alone together and no one can take that away from us.. F@%k em all..see you tomorrow jerk offs"
Friday, March 02, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
7 comments:
Pag inalis mo kahit isa sa kanila, hindi na sila Bamboo. --> tama, tama... =)
agree ako sa review mo sa kanilang album... ang nagpasulit talaga eh yung cd2... dun talaga nila pinakita na isang banda sila, at hindi lang si bamboo ang nasa banda... naiinis talaga ako tuwing napapanood ko sila sa tv, tapos ang pakilala sa kanila ay 'si bamboo' at hindi 'ang bamboo'...
em
mp3 ang kopya ko ng mga kanya nila sa bagong album.. nahiya naman ako.. naencourage mo akung bumili. salamat kapatid.
at sang- ayon aku sa pagpapakumpleto ng araw ng mga kanta nia..
astig..!
"naiinis talaga ako tuwing napapanood ko sila sa tv, tapos ang pakilala sa kanila ay 'si bamboo' at hindi 'ang bamboo'..."
heh, pet peeve ko din 'to.:p 'di ba obvious na BANDA sila, at may tatlo pang taong kabilang, maliban sa bokalista?! grrrr...
chi
hindi ko trip 'yung album. although sulit dahil dun sa 2nd disc, ayoko pa rin for 2 reasons.
1) revive. uli. na naman. para talagang naggagayahan lang sila ng rivermaya. nung nilabas ang "noypi", nilabas din ang "liwanag sa dilim", na parehong song of enlightenment. tapos ngayon, pagkalabas ng maya ng album na puro revive, naglabas din ang bamboo! talagang hindi mo mapaghihiwalay sila bamboo at rico, ganundin sila mark at nathan.
2) sa second disc, dun sa minus vic. kasi merong "tik-tik-tik" sa bawat kanta. sabi nung kaklase ko "metronome"daw 'yun para guide. pero kung walang beat ng drums, dapat totally walang drum-like beats. parang may drums pa rin (ayon sa tenga ko) dahil dun sa "tik-tik-tik" na 'yun. tsaka may dalawang kanta sa label na nagkapalit ng number.
parang minadali 'yung album. pero kung naghahanap ka ng album na MARAMING lamang kanta, then go ahead.
peso,
isang linggo ko lang pinakinggan yung album. tapos nadiskubre ko ang UK indie rock band na "Bloc Party". frickin awesome.
taba,
by the way, sorry nung nakaraang comment ko...tinadtad ko ng "publish your comment". good thing you erased them all. hindi ko kasi agad nabasa na ia-approve mo muna bago maipost. hehe...
and with the "bloc party", pasensya na pero hindi ko sila kilala...what's their relation to bamboo's latest album? or wala lang, iniintroduce mo lang?
:)
"Disappointing ang album kung nage-expect ka ng 12 original songs na comparable sa unang dalawa (As The Music Plays, Light Peace Love)...
...at walang newsworthy progress sa tunog nila. And that's not a bad thing..."
In other words, "artists repeating themselves".
"Kung gusto mong marinig ang makalaglag brief at panty na boses ni Bamboo, at ang technical expertise ng bawat isang member ng banda nila, sulit tong album na to..."
Also means - FOR DIE HARDS ONLY -
Pero may mga die hards din na hindi nasiyahan...hmmm.
(isang linggo ko lang pinakinggan yung album. tapos nadiskubre ko ang UK indie rock band na "Bloc Party". frickin awesome. )
IMHO, tabachoi was just justifying kung bakit nya binili yung CD nung sinulat nya to! In other words maaring naghinayang din sya sa 250++.
Post a Comment