Showing posts with label raims. Show all posts
Showing posts with label raims. Show all posts

Friday, September 05, 2014

Eraserheads - 1995

Kung nasusundan nyo tong blog na to, siguro naman may idea kayo kung ano ang pinaka-paborito kong banda, dahil 80% yata ng blog na to e tungkol sa kanila. At malamang alam nyo na rin siguro ngayon na may nilabas silang dalawang bagong kanta, ang "Sabado" at "1995"

ANO?! HINDI MO ALAM? Sorry ha, hindi kasi tungkol sa milagrong ginawa ng Esquire ang isusulat ko na to e. Eto basahin mo na lang.

Tungkol kasi to sa pagkakaintindi ko sa "1995". Pakinggan nyo muna at basahin ang lyrics.



Saan? Saan na napunta?
Kislap ng yong mata
Ay babalik pa ba?

Ngayon ang langit ay bughaw
At siya'y sumasayaw, ako'y nasisilaw

Sa labas sila'y naglalaro
Hindi makatayo
Sinong sasalo?

At kung hindi naman sa yo
Ay wag mong angkinin
Dyan ka magaling

Ngayon ang langit ay bughaw
At siya'y sumasayaw, nabulag sa araw.

Pwede bang sunugin ang tulay?
Ayokong sumabay
Sinong papatay?
Ako'y naghihintay
Sa 1995

1995

Pwede bang sunugin ang tulay?
Ayokong sumabay
Sinong papatay?
Ako'y naghihintay

Saan? Saan na napunta?
Kislap ng yong mata
Ay babalik pa ba?
Tungkol saan to? Isang araw, naka-chat ko ang isang aking fellow Eraserheads fan at naging ganito ang usapan namin, because we're fanboys like that.

  

Ayun na nga, para daw sa mga nagpupumilit ibalik sa nakaraan ng Eraserheads ang 1995.

Pero nito lang, matapos kong makuha ang Esquire copy ko, pumunta ako sa event kung saan tumugtog ang isang bandang binuo ng mga myembro ng Sandwich + Pupil + The Dawn + Markushighway. Nandoon yata halos lahat ng mga bandang umiidolo, at yung iba nga ay natulungan pa, ng Eraserheads.

Bigla na naman akong nagka-epiphany:

Tungkol sa OPM ang 1995.

Para maintindihan nyo ako, ililista ko lang ang ilan sa mga significant na pangyayari sa OPM noong 1995:
  • Nilabas ni Francis Magalona ang kanyang masterpiece album, ang "Freeman"
  • Nanalo ang Color It Red bilang Best New Artist sa Awit Awards para sa kanilang debut album, ang "Hand Painted Sky"
  • Nilabas ng Teeth ang kanilang self-titled album, kung saan galing ang "Laklak" at "Princesa"
  • Nilabas ng True Faith ang "Build", kung saan nanggaling ang mga kantang "Hi", "Alaala", "Kundi Rin Lang Ikaw", at "Baliw"
  • Nagpaalam ang The Dawn sa pamamagitan ng farewell tour para sa album nilang "Puno't Dulo" kung saan galing ang "Salimpusa" at "Talaga Naman"
  • At syempre, nilabas ng Eraserheads ang isa sa kanilang pinakamahusay na album, ang "Cutterpillow". 
Pag hindi mo alam kung ano ang Cutterpillow, umalis ka na sa site na to. Shoo!

1995 pa lang yung mga nabanggit ko ha, hindi ko pa nasasabi kung ano yung mga nangyari noong 1994:
  • Nilabas ng Eraserheads ang "Circus", na rival ng Cutterpillow para sa "Best Eraserheads Album Ever"
  • Nilabas ng Yano ang self-titled album nila kung saan galing ang mga kantang "Kumusta Na", "Banal Na Aso", "Tsinelas", "Esem"
  • Nilabas din ng Alamid ang kanilang self-titled, kung saan naman galing ang kantang "Your Love"
  • AT ipinakilala sa ating lahat ang bandang Rivermaya (lineup: Bamboo, Rico Blanco, Nathan Azarcon, Perf De Castro, Mark Escueta) through their self-titled album kung saan galing ang "Ulan", "214", at "Awit ng Kabataan"
Galing ng 1995 no? OPM ang nag-dominate sa radio, considering malalakas ang foreign artists noon tulad ng Pearl Jam, Sepultura, Alice in Chains, Soundgarden, Rage Against The Machine, Pantera, tsaka yung The Reyd Hat Chili Peypers Band tsaka lahat ng klase ng grunge, tsaka death metal, ok?

Teka humahaba na yung blog ko baka ma-TL;DR na ako nito. Gamit ang aking primitive powers of analysis and interpretation na limited lang sa Humanities 1, sinubukan kong himay-himayin ang "1995" at bigyan ng kahulugan ang mga letra:
Saan? Saan na napunta?
Kislap ng yong mata
Ay babalik pa ba?
"Dear OPM, seriously, what the fuck happened?" 
Ngayon ang langit ay bughaw
At siya'y sumasayaw, ako'y nasisilaw
"Ngayon, dahil sa internet, wala na ang shackles ng pagkakaroon ng record label. Napaka-high tech na ngayon, sobrang dali nang makapag-produce ng album."
Sa labas sila'y naglalaro
Hindi makatayo
Sinong sasalo?
"Pero bakit ganon? Yung mga tinuturing nyong legends na ng OPM, kailangan pang magpunta sa ibang bansa para kumita."
At kung hindi naman sa yo
Ay wag mong angkinin
Dyan ka magaling
"Yung mga sikat naman ngayon dito sa Pilipinas eh wala namang ibang ginawa kundi mag-revive lang ng mga kanta ng ibang tao."
Pwede bang sunugin ang tulay?
Ayokong sumabay
Sinong papatay?
"Parang ayaw ko nang sumulat ng kanta, kasi wala naman yatang patutunguhan tong gagawin ko e. Di rin susuportahan ng mga Pilipino."

Ako'y naghihintay
Sa 1995

"Nakita namin noon ang glory days ng Original Pilipino Music. May pag-asa pang bumalik ito."

Saturday, March 07, 2009

My Top 5 Eraserheads The Final Set Moments

5. Ang Huling El Bimbo
Etong performance na to ang aking CLOSURE. A farewell to Francism via a Kaleidoscope World intro, a farewell to "the Eraserheads" via burning of the Sticker Happy piano, and a farewell to the fans via a "GROUP HUG" and a BOW.
4. The Ely Buendia Life Support System
They managed to keep Ely "alive" during the concert by having Marcus sing "Huwag Mo Nang Itanong", Raimund on "Slo Mo", "Alkohol", and "Insomya". Tapos andun yung relaxed acoustic set where everyone was sitting on a sofa (except Raims and Jazz)
3. The tribute to Francis Magalona
I think 100,000 people shouting "FRANCIS! FRANCIS!" was more than enough to let Francism hear our cheers in heaven. Wow was that a Clapton song? Hehehe
2. The after after party at Saguijo where I was personally introduced to Raimund, Marcus, and Buddy
Thanks to Karin for the celebrity overload!
I was first introduced to Buddy. Karin: "Hi Buddy, I want you to meet my friend. He's the one who bought Jal's bass." Tanong ni Buddy, "Anong bass?" Sabi ko "yung Ibanez na black." Reply ni Buddy, "oh that's a good bass guitar." May mga itatanong pa sana ako na missing notes sa chorus bassline ng Ligaya pero di ko na nakayanan dahil sa pagiging starstruck. Nasabi ko na lang, "Inaaral ko ngayon yung Ligaya."
Then kay Marcus naman. Eto ha, naalala ni Marcus yung pangalan ko! Sabi ni Karin, "Hi Marcus, I want you to meet my friend Niel," sabi ni Makoy "Eh nag-meet na kami nito. Nielsen Oliva tama?" O. M. F. G.
Lastly kay Raims. Sabi ni Karin, "Raims, I want you to meet the #1 Eheads fan, Niel." Sabi ni Raimund, "no, the number one Eheads fan is that person who had a tattoo of all Cutterpillow icons on his right leg." Taena fanboy ako pero di ko na yata kaya yung ganung level.
1. Ely loves me.
Nung kinanta ni Ely yung "Kailan" with Jazz on piano, at the end of the song, yung part na "nanginginig sa seldaaaaaang...." tahimik lahat. Sumigaw ako ng "I LOVE YOU ELY!!!"
And then all of a sudden, sumagot si Ely ng "I love you too pare!" before kantahin yung "maginaaaaaaw"
Nasa CD and DVD yon. You won't miss it!