Showing posts with label reunion. Show all posts
Showing posts with label reunion. Show all posts

Saturday, March 07, 2009

My Top 5 Eraserheads The Final Set Moments

5. Ang Huling El Bimbo
Etong performance na to ang aking CLOSURE. A farewell to Francism via a Kaleidoscope World intro, a farewell to "the Eraserheads" via burning of the Sticker Happy piano, and a farewell to the fans via a "GROUP HUG" and a BOW.
4. The Ely Buendia Life Support System
They managed to keep Ely "alive" during the concert by having Marcus sing "Huwag Mo Nang Itanong", Raimund on "Slo Mo", "Alkohol", and "Insomya". Tapos andun yung relaxed acoustic set where everyone was sitting on a sofa (except Raims and Jazz)
3. The tribute to Francis Magalona
I think 100,000 people shouting "FRANCIS! FRANCIS!" was more than enough to let Francism hear our cheers in heaven. Wow was that a Clapton song? Hehehe
2. The after after party at Saguijo where I was personally introduced to Raimund, Marcus, and Buddy
Thanks to Karin for the celebrity overload!
I was first introduced to Buddy. Karin: "Hi Buddy, I want you to meet my friend. He's the one who bought Jal's bass." Tanong ni Buddy, "Anong bass?" Sabi ko "yung Ibanez na black." Reply ni Buddy, "oh that's a good bass guitar." May mga itatanong pa sana ako na missing notes sa chorus bassline ng Ligaya pero di ko na nakayanan dahil sa pagiging starstruck. Nasabi ko na lang, "Inaaral ko ngayon yung Ligaya."
Then kay Marcus naman. Eto ha, naalala ni Marcus yung pangalan ko! Sabi ni Karin, "Hi Marcus, I want you to meet my friend Niel," sabi ni Makoy "Eh nag-meet na kami nito. Nielsen Oliva tama?" O. M. F. G.
Lastly kay Raims. Sabi ni Karin, "Raims, I want you to meet the #1 Eheads fan, Niel." Sabi ni Raimund, "no, the number one Eheads fan is that person who had a tattoo of all Cutterpillow icons on his right leg." Taena fanboy ako pero di ko na yata kaya yung ganung level.
1. Ely loves me.
Nung kinanta ni Ely yung "Kailan" with Jazz on piano, at the end of the song, yung part na "nanginginig sa seldaaaaaang...." tahimik lahat. Sumigaw ako ng "I LOVE YOU ELY!!!"
And then all of a sudden, sumagot si Ely ng "I love you too pare!" before kantahin yung "maginaaaaaaw"
Nasa CD and DVD yon. You won't miss it!


Saturday, August 30, 2008

The 8302008th Blog Entry About The Eraserheads Reunion

Parang 1994 ulit (tingin nyo bakit "Circus" yung title ng 2nd album nila?) Saturated na ang internet ng mga blog posts tungkol sa monumental event na to. Kung tatae ako ngayon, malamang pati tae ko may images ni Ely, Raimund, Marcus, and Buddy.

August 30, 2008. The Fort open field. Nagkahalo-halo sa isang lugar ang mga die-hard fans, bagong fans, chain smokers, non-smokers, mga critics, mga rockstars, mga posers, mga click whores, cam whores, attention whores. Parang 2nd coming ni Jesus, pero may surrounding media hype.

Mainit, nakakangawit, malagkit, maalikabok. Yan ang feeling bago lumabas yung countdown sa big screen. Nung last minute na, nawala ang ngawit, nakalimutan ang alikabok at lagkit ng mga katabi. Pero lalong umiinit!

Hindi na ako nag-record ng videos ng event, ayaw ko na kasing mangawit ako at pigilin yung sarili kong sumayaw at kumanta. Lahat kasi ng Eraserheads concert na pinuntahan ko, wala akong ibang ginawa kundi magpa-paos sa pagsigaw at magpangawit sa kakatalon. Eto lang ang nakunan ko. Yung instrumental sa Harana.


Parang walang nagbago. Andun pa rin yung sablay sa tempo, sa tono, sa gitara, sa drums. Eraserheads pa rin.

Eto yung set list:

Alapaap
Ligaya
Sembreak
Hey Jay
Harana
Fruitcake
Toyang
Kama Supra
Kailan
Wag Kang Matakot
Kaliwete
With A Smile
Shake Yer Head
Huwag Mo Nang Itanong
Lightyears

Naamoy ko ang mga kapwa die-hards nung kinanta nila yung "Lightyears". Makikita mo sa paligid na may mga nagtatakang mukha at nagtatanong kung anong kanta yun, pero may mga makikita kang mga nagtatatalon sa tuwa. Bihira kasi nila kantahin yung Lightyears kahit nung Eraserheads pa sila. Hindi nila yon ni-release as single, pero it's considered by most fans as the best song they've ever made.

After ng Lightyears, tumigil muna sila at lumabas yung 20 minute countdown. Pero wala nang bumalik after 20 minutes. Eto ang nangyari



Tinawagan ko ang aking fairy godsister after ng concert. Sabi nya, "papunta kami sa Saguijo, wanna join?"

"Ano meron sa Saguijo?"

Eto (post ni Mark Escueta sa YouTube)

Tinuloy ni Raimund, Buddy, at Marcus yung mga natitirang kanta sa set list nila with Ebe, Aia, and Kris on vocals.

Anong masasabi ko sa concert? I would have to quote my ex-gay lover Aids Arcega

"Most important concert of the year (although Rick Astley is a strong contender XD).. weird ng feeling ko kagabi. Hindi na sila yung eheads na kilala ko. May sari-sarili na talaga silang niche. Di tulad ng dati. Parang .... JUSTICE LEAGUE!"

"Di parang The Dawn na pag "The Dawn"..."The Dawn" sila. Ito, hindi na Eraserheads. Ely, Raims, Markus, and Buddy na."

"Hindi ko alam kung dapat ituloy nila yung sinabi ni Raims na may encore pa. May poetry sa unfinished business eh."

"Baka dapat ganun talaga sila"