Showing posts with label mong alcaraz. Show all posts
Showing posts with label mong alcaraz. Show all posts

Saturday, April 13, 2013

Sandwich - Fat Salt and Flame

How much do you love a band?

Isa pa lang ang nami-miss kong album launch ng Sandwich. Hindi ako nakapunta sa "Contra Tiempo" launch kasi nasa ibang bansa ako nun.

Di tulad ng karamihan sa inyo, sa gabi ang pasok ko sa opisina. Gabi rin ang album launch. Hindi ako sure kung anong oras ang simula ng show pero sinabi ko na lang sa sarili ko, "Fuck this shit" at isina-walang bahala ang pagka-late sa trabaho.

Kita nyo yung location ng album launch? Nasa Quezon Ave MRT station ang Centris Walk. Taga-south Metro Manila ako. Ibig sabihin, para umabot sa oras na yan, kailangan kong sumakay ng MRT, during rush hour. Nagawa nyo na ba yun? Ni minsan di ko pinangarap na ma-experience yun. Pero sinabi ko na lang sa sarili ko, "Fuck this shit" at tiniis ang mga kili-kiling dumidikit sa balikat ko, habang binabantayan ang wallet at camera ko sa bulsa, habang nilalanghap ang amoy ng mga mandirigma.

Eto para sa kin ang ibig sabihin ng "Fat Salt & Flame" na title ng bagong album ng Sandwich. Pag trip mo ang isang bagay, kahit na sabihin nilang bawal sa yo at wala kang mapapala, sasabihin mo sa sarili mo yung "Fuck this shit" at itutuloy pa rin ang gusto mo. It's either yun ang ibig sabihin ng title, or inihaw na liempo hehehe

Pagdating sa tunog, kung pamilyar na kayo sa tunog ng Sandwich since "Five on the Floor", hindi na kayo maninibago sa album na to. Pero pag pinakinggan nyong mabuti yung lyrics, masasabi kong ito na ang pinakamahusay na sinulat ng banda. Malayo na mula sa "Shaun at Jopet" days.


Tinugtog nila lahat ng kanta sa album. Mapapanood nyo lahat dito, dahil malakas kayo sa kin. Kung nasa malayong lugar kayo at gusto nyo na ng kopya ng "Fat Salt and Flame", mabibili nyo ito sa mga sumusunod na suking tindahan:


Pray for Today
Sleepwalker
The Week After
New Romancer with Myrene and Mong on vocals

Kidlat
Mayday

Manhid
Back for More

At shempre, hindi mawawala ang mga fan favorites. Kung fan kayo ng Beastie Boys, panoorin nyo yung Procrastinator:

Nahuhulog

Cheese Factor Set to 9
Sunburn

Selos with Mong on vocals

Procrastinator / Sabotage (Beastie Boys)