ANO?! HINDI MO ALAM? Sorry ha, hindi kasi tungkol sa milagrong ginawa ng Esquire ang isusulat ko na to e. Eto basahin mo na lang.
Tungkol kasi to sa pagkakaintindi ko sa "1995". Pakinggan nyo muna at basahin ang lyrics.
Saan? Saan na napunta?Tungkol saan to? Isang araw, naka-chat ko ang isang aking fellow Eraserheads fan at naging ganito ang usapan namin, because we're fanboys like that.
Kislap ng yong mata
Ay babalik pa ba?
Ngayon ang langit ay bughaw
At siya'y sumasayaw, ako'y nasisilaw
Sa labas sila'y naglalaro
Hindi makatayo
Sinong sasalo?
At kung hindi naman sa yo
Ay wag mong angkinin
Dyan ka magaling
Ngayon ang langit ay bughaw
At siya'y sumasayaw, nabulag sa araw.
Pwede bang sunugin ang tulay?
Ayokong sumabay
Sinong papatay?
Ako'y naghihintay
Sa 1995
1995
Pwede bang sunugin ang tulay?
Ayokong sumabay
Sinong papatay?
Ako'y naghihintay
Saan? Saan na napunta?
Kislap ng yong mata
Ay babalik pa ba?
Ayun na nga, para daw sa mga nagpupumilit ibalik sa nakaraan ng Eraserheads ang 1995.
Pero nito lang, matapos kong makuha ang Esquire copy ko, pumunta ako sa event kung saan tumugtog ang isang bandang binuo ng mga myembro ng Sandwich + Pupil + The Dawn + Markushighway. Nandoon yata halos lahat ng mga bandang umiidolo, at yung iba nga ay natulungan pa, ng Eraserheads.
Bigla na naman akong nagka-epiphany:
Tungkol sa OPM ang 1995.
Para maintindihan nyo ako, ililista ko lang ang ilan sa mga significant na pangyayari sa OPM noong 1995:
- Nilabas ni Francis Magalona ang kanyang masterpiece album, ang "Freeman"
- Nanalo ang Color It Red bilang Best New Artist sa Awit Awards para sa kanilang debut album, ang "Hand Painted Sky"
- Nilabas ng Teeth ang kanilang self-titled album, kung saan galing ang "Laklak" at "Princesa"
- Nilabas ng True Faith ang "Build", kung saan nanggaling ang mga kantang "Hi", "Alaala", "Kundi Rin Lang Ikaw", at "Baliw"
- Nagpaalam ang The Dawn sa pamamagitan ng farewell tour para sa album nilang "Puno't Dulo" kung saan galing ang "Salimpusa" at "Talaga Naman"
- At syempre, nilabas ng Eraserheads ang isa sa kanilang pinakamahusay na album, ang "Cutterpillow".
1995 pa lang yung mga nabanggit ko ha, hindi ko pa nasasabi kung ano yung mga nangyari noong 1994:
- Nilabas ng Eraserheads ang "Circus", na rival ng Cutterpillow para sa "Best Eraserheads Album Ever"
- Nilabas ng Yano ang self-titled album nila kung saan galing ang mga kantang "Kumusta Na", "Banal Na Aso", "Tsinelas", "Esem"
- Nilabas din ng Alamid ang kanilang self-titled, kung saan naman galing ang kantang "Your Love"
- AT ipinakilala sa ating lahat ang bandang Rivermaya (lineup: Bamboo, Rico Blanco, Nathan Azarcon, Perf De Castro, Mark Escueta) through their self-titled album kung saan galing ang "Ulan", "214", at "Awit ng Kabataan"
Teka humahaba na yung blog ko baka ma-TL;DR na ako nito. Gamit ang aking primitive powers of analysis and interpretation na limited lang sa Humanities 1, sinubukan kong himay-himayin ang "1995" at bigyan ng kahulugan ang mga letra:
Saan? Saan na napunta?"Dear OPM, seriously, what the fuck happened?"
Kislap ng yong mata
Ay babalik pa ba?
Ngayon ang langit ay bughaw"Ngayon, dahil sa internet, wala na ang shackles ng pagkakaroon ng record label. Napaka-high tech na ngayon, sobrang dali nang makapag-produce ng album."
At siya'y sumasayaw, ako'y nasisilaw
Sa labas sila'y naglalaro"Pero bakit ganon? Yung mga tinuturing nyong legends na ng OPM, kailangan pang magpunta sa ibang bansa para kumita."
Hindi makatayo
Sinong sasalo?
At kung hindi naman sa yo"Yung mga sikat naman ngayon dito sa Pilipinas eh wala namang ibang ginawa kundi mag-revive lang ng mga kanta ng ibang tao."
Ay wag mong angkinin
Dyan ka magaling
Pwede bang sunugin ang tulay?"Parang ayaw ko nang sumulat ng kanta, kasi wala naman yatang patutunguhan tong gagawin ko e. Di rin susuportahan ng mga Pilipino."
Ayokong sumabay
Sinong papatay?
Ako'y naghihintay
Sa 1995
"Nakita namin noon ang glory days ng Original Pilipino Music. May pag-asa pang bumalik ito."
0 comments:
Post a Comment