Sabi ni Ely, "forgive and forget lang yon. Na-forgive ko na sila. Na-forget ko na rin sila" (chuckles)
What the?
Maraming pwedeng selling point ang Pupil para makilala sila ng mga tao. Hindi lang naman "Ely's new band" e.
Maganda naman yung Beautiful Machines at pwedeng yung mga kanta na lang ang gamitin to create a "buzz". A hundred notches higher than any other debut album released in 2005 in the market today. Hayaan nyo isusunod ko dito yung review ko ng Beautiful Machines.
Pwede ding selling point yung legendary status ni Ely sa Pinoy rock. Walang kokontra siguro sa kin kung sabihin kong isa sya sa mga natatanging contributor sa pag-advance ng OPM (plus 3 other people, namely, Raimund Marasigan, Buddy Zabala, and Marcus Adoro). Si Pepe Smith tsaka Mike Hanopol ba nung nagkaroon ng bagong banda, kelangan bang laging i-bring up yung breakup nila ng Juan Dela Cruz? Nung lumabas ba yung Cambio, pinapalitaw ba nila yung issue tungkol sa Eraserheads?
O sige kung kulang pa yang dalawang selling point na yan, idagdag nyo yung mga itsura nila. Since uso naman ang mga pogi ngayon, di hamak na mas marami ang pogi sa Pupil kesa sa mga papogi bands ngayon. Si Ely, matagal nang tinitilian ng mga babae yan a. Si Yan Yuzon, kapatid ni Yael ng Spongecola. Siguro naman may idea na kayo sa pagka-gwapo nun. Yung si Boks Jugo (sana tama yung name), pwedeng maging cast ng The O.C. (hehe). Tapos yung si Dok Sergio, nung napanood ko sila ng live, may hawig kay "Red Sternberg" of TGIS fame. Teka, teka.. bago ako mabakla babalik na ako sa topic.
Bakit selling point ng promotion ng Pupil yung breakup ng Eraserheads? Bakit ngayon lang? Di ba dapat nung Mongols pa lang, ginawa na nila to? Kumbaga habang mainit pa, pinakain na nila sa mga tao. Ngayon, yung issue parang panis na kanin na ininit na lang tapos na-serve as sinangag na kanin (fried rice, you plick).
Rewind tayo.
- 1997. NU Rock Awards. Nung tumatanggap ng award ang Eraserheads,
may sumigaw sa audience "NAKAKASAWA NA KAYO!!!". Sumagot si Raimund ng
"NAKAKASAWA KA NA RIN!". - 1998. Wala ni isang award napanalunan ng Eraserheads. No show din sila sa awards. (click here for PhilMusic article).
- 1999, lumabas ang Natin99, na para sa kin ang masterpiece ng Eraserheads. Let's just say hindi ko na narinig na tumagal yung "Maselang Bahaghari" sa charts ng mga pop radio stations.
- 2001. Lumabas ang sinasabi ng karamihan na pinakapangit na album ng Eraserheads, ang Carbon Stereoxide.
- 2002. Nagtext si Ely sa mga bandmates ng "Graduate na ako" or something to that effect tapos hindi na sumipot ng live gigs. Pinalitan sya ni Kris Dancel ng Fatal Posporos as vocals.
In other words, the Eraserheads died a natural death. Nag-struggle sila, they had a hit carrier single, they made an impact, the sold albums, they were cheered, they toured. Then people got tired of their act, they got booed, their albums got bad reviews, they got tired, they broke up, each had solo careers. Tapos na. Sakto lang yung nangyari sa kanila. Life cycle ng isang banda na hindi "One Hit Wonder". O sige, sige, since sila ang "Beatles ng Pinas" para sa inyo, parang Beatles din sila na napagod na yung mga members sa pagmumukha ng kabanda, kaya nagkahiwa-hiwalay.
Ngayon parang bangkay na hinuhukay na pilit binubuhay ulit. Yung mga nasa mailing list ng Eraserheads na nagp-plead ng reunion, wake up! Para kayo yung napanood ko sa Magandang Gabi Bayan na hindi nililibing yung bangkay kasi nakakagamot pa daw at parang buhay pa.
Yung Ultraelectromagnetic Jam album, tribute yon. Pagpapasalamat ng mga sikat na banda ngayon sa Eraserheads sa na-pave nilang daan para sa mga tulad nila na gustong sumulat ng kanta at iparinig sa mga tao. Hindi sya hint ng reunion o ano mang pinag-iisip ninyo.
Two words lang: MOVE ON.
Wala nang Eraserheads. Kill the "Ely vs the other Eraserheads" issue. Ibigay sa Eraserheads ang para sa Eraserheads. Ang sa Cambio ay sa Cambio. Ang kay Surfernando ay kay Surfernando. Ibigay sa Pupil ang para sa Pupil.
The Eraserheads are dead.
Long live the Eraserheads!!!
8 comments:
yiheee! nagpapapansin! hehehehe!
long live the eraserheads! :D
wow!!! isa na nmang astig na post ni tabachoi.
ayup, ang galing mo (btw, palagi akong nagbabasa ng blog ni dodo bird...kaya napadagdag tong blog mo sa mga paborito ko) at alam nyo ba na marami kayong naiinspire na magsulat..
agree ako dun sa eheads...tuwing nakakabasa ako ng mga threads tungkol sa kanila...parang gutom na gutom pa rin sila sa eheads.cguro most of these guys mga bata pa nung sumikat yung eheads tapos na discover lang nila nung malapit na malaos ang eheads. honestly, isa ako dun sa mga napagod makinig sa eheads after Sticker Happy (yun yung huling studio album ng eheads na nahawakan ko..after that, i got tired of them).napakinggan ko pa rin yung natin99 (shet,uso na piracy non) ewan ko...pero ok pa rin yung album kaya lang hidi cguro yon ang tunog na iniexpect ko sa knila...
Alam mo naman ang pinoy (although the same can be argued for the entire human race), mahilig sa intriga.
Hindi na enough ang musika ngayon... hindi na sapat ang artistry... kelangan lagyan ng "spice" lahat.
Sad but true.
The 'heads seem to have moved on. I think all fans should do so too; but that doesn't mean I blame them for acting the way they do. I'm a huge Eraserheads fan and I see where they're coming from.
Now, regarding the Eraserheads reunion, eto ang stand ko diyan:
- I don't want them to reform. The Eraserheads have their place in music history, they have nothing to prove and no reason to get back together...
BUT
- I still do want to see them in good terms... Yung tipong nagco-collaborate once in a while on certain tracks with their respective bands... for old times sake... for the love of music.
great post...
nakakasawa na nga ang issue
sir paupload naman ng please transpose nyo. para nyo ng awa!!! thanks!!!
swerte ko talaga. haha.:)my ganun ako eh! hehehe. galing ah. congratulation to us. nwei, alam ko na ung pnakadahilan ng break up nila. promise. i-email mo ko send ko sau.
leneflow@yahoo.com
ang masasabi ko lang..
what is broken is broken.. and id rather remember it at its best than try to repair the pieces and say it's whole again.
hahah.. ngayon lang ako nagising sa katotohanan.. at ngayon lang ako nakapag move on sa isyung ito.
Post a Comment