- debut album to ng isang di kilalang banda
- hindi ko kilala si Ely Buendia
- hindi ko alam kung ano ang Eraserheads
- hindi ko alam kung ano ang Mongols.
Siguro kulang pa ako sa pakikinig ng mga foreign artists, pero naaalala ko ang Siamese Dream album ng Smashing Pumpkins dito sa Beautiful Machines. Guitar driven, haunting melodies, tapos unique yung boses ng vocalist. Wala masyadong palabok sa tunog. Gitara, effects, tsaka ayos na banat ng drums.
Kadalasan pag debut album, kinakapa pa ng banda kung ano yung gusto nilang tunog e. Di ko alam kung pano nagawa ng Pupil na ma-establish agad yung gusto nilang tunog sa first try. Last year ko lang narinig yung pangalan nila pero di ko na-expect na ganito yung unang subok nila sa paggawa ng album. Consistent ang banat ng gitara tsaka drums. Nag-iiba man ang vocals, hindi nagbabago ang tunog. Ang tendency kasi pag debut album, sari-sari ang tunog tapos kung ano yung tunog ng kantang kakagatin ng masa, yun yung gagamitin sa susunod na album. Case in point, Sugarfree. Yung tunog ng Dramachine nila pwede mong sabihin na nag-springboard mula sa tunog ng kantang Mariposa sa debut album nila. Sa second album pa na-establish ng Sugarfree yung distinct na tunog nila.
Para sa kin, ang makaka-define ng album e yung mga kinanta ng lead vocals ng bandang ito (Ely Buendia daw sabi dun sa CD sleeve, I wonder who he is). Didikit talaga sa utak mo yung mga melody.
Iisa-isahin ko na lang yung top 4 na paborito kong kanta sa album.
Different Worlds
"This is the opening of the show. So glad you came here tonight.."
Hayup. Meron bang Beatles influence ang sumulat nito at ginawang mala-Sgt Pepper ang unang kanta? Hehe.
Para sa kin, yung Different Worlds, kanta ng Pupil para sa iba't-ibang klaseng tao sa audience nila pag gigs. Mula dun sa "heard you got lost in the woods again, well that makes two of us", idagdag mo pa yung paggamit nila ng "vermillion eyes" which is another term for "red eye", na sa pagkakaalam ko pag red eye sa airport, eto yung flight na aalis ng late ng gabi at magla-land ng madaling araw. Para ito sa mga fans na sumasabay sa kanila mula umpisa hanggang katapusan ng gig. Sana tama ang interpretation ko.
Nasaan Ka
Isa sa mga kanta sa album na masarap kantahin habang naliligo. Didikit sa utak mo yung melody lalo na yung huling part na paulit-ulit na "mahahanap din kita..".
Pinapakinggan ko yung lyrics. Tungkol sa isang tao na nawalan ng minamahal (dohhhhh pano ko nalaman yon?). The song features the usual stages pag nawawalan. Magandang reference ang kantang to kung meron kang kilala na hiniwalayan ng gelpren o boypren, tapos io-observe mo yung mga kilos nya after the breakup.
- First Phase - Denial: "Kasama kita sa aking panaginip, sasabihin ko dapat sa yo pero wala ka na"
- Second Phase - Anger: "Nanlilisik, namimilipit sa galit"
- Third Phase - Confusion: "Umiikot ang aking paningin sa mga tanong na di kayang sagutin"
- Fourth Phase - Regret: "Di na makikita, di na mahahawakan ang maganda mong mukha pagkat wala ka na"
- Final Phase - Hope: "Mahahanap din kita."
Gamu-gamo
Ang effect sa kin nito parang kanta nila para sa mga nags-struggle sa rock scene.
"Libu-libong mga taong katulad ko, walang nagagawa. Nabighani sa ganda ng liwanag mo, sa ere sumasayaw. Di kita mahawakan.."
Aahhh. Fame. Parang apoy ng kandila ang promises ng stardom. At lahat ng mga nabibighani ng mga promises na ito, parang gamu-gamo (moth) na hindi magdadalawang-isip na magpalamon sa sistema para lang sumikat. At sa pagpapalamon na ito, nakakalimutan nilang mag-ingat.
Dianetic
Tamang-tama, kakapanood ko lang ng episode ng South Park tungkol sa Scientology. Dianetics daw ang haligi ng "relihiyon" na ito ni L. Ron Hubbard. Mag-research na lang kayo tungkol sa relihiyon na to. Pero sabi dun, ang Dianetics ay galing sa Greek words dia, meaning "through", tapos nous, meaning "soul". Sa Scientology, maaring ibig sabihin ng Dianetics ay ang mga paraan kung paano naapektuhan ng soul ang katawan ng tao.
Sa album naman, Diane ang pangalan ng vocals ng Beautiful Machines, at sya yung pinasamalatan ni Ely Buendia sa acknowledgements. Connect-connect na lang. Ang Dianetic, sa kantang ito, ay maaring mag-describe sa isang taong nagmamahal sa isang babaeng pangalan ay Diane.
Pero ang hanep dito, nag-merge ang magkaibang definition ng Dianetic sa linyang: "Bawat halik ay tanda ng pangako na magiging akin ka, sa puso't kaluluwa." Ang physical na act ng halik ay galing sa pagiging isa ng puso at kaluluwa ng dalawang tao.
Dumidikit sa utak ang melody ng kantang to. Kinakanta ko nga kanina nung pababa ako ng elevator hanggang nakapunta na ko ng 7-11 e. Namalayan ko na lang nung sinabihan ako ng kasama ko ng "Hoy tigilan mo na yan. Paulit-ulit e."
Ito ang pinakapaborito kong kanta sa album.
3 comments:
Got this post from the eraserheads mailing list:
From: "Julius Dela Fuente"
Date: Thu Jan 12, 2006 1:16 pm
Subject: Re:[eraserheads] Album Review ko ng Beautiful Machines
Case in point, Sugarfree. Yung tunog ng Dramachine nila pwede mong sabihin na
nag-springboard mula sa tunog ng kantang Mariposa sa debut album nila. Sa
second album pa na-establish ng Sugarfree yung distinct na tunog nila.
==>magkaiba sound ng SA WAKAS at ng DRAMACHINE...di ko convinced na ang tunog
ng MARIPOSA ang basis ng DRAMACHINE....sorry kung OT..
Reply ko>> salamat sa feedback. ang basis ko dito e yung unang tatlong na-release na kanta ng sugarfree galing sa dramachine (sinta, prom, hari ng sablay) na sobrang lapit ng tunog sa mariposa.
well, that's just me. if i can't convince you, then i won't. opinyon mo yan e.
Pero ang kicker sa kantang ito ay ang line na, "Mahahanap din kita (kung may langit nga ba)". Namatayan ba sya? O nag-give up na sa pag-asa na magkikita uli sila?
(literal?) namatayan nga yata sya.. diba dun sa video, sa huli nakalagay na yung kanta para dun sa nanay yata ng isa sa kanila...
Hahahaha! Ang astig naman ng blog mo tungkol sa Pupil! Hahahaha! Talagang di mo sila kilala. Pero grabe, parang ngayon ko lang din na-realize na ang galing parang lahat ng explanation mo yun yung interpretation! So cool! Galing mo men! :D
Post a Comment