Monday, January 23, 2006

Andito na ang Baby...

Matagal din na hindi ko na-update tong blog na to. Dumating na kasi ang napakatagal naming hinintay na tabachoi's bouncing baby boy. Lumabas sya ilang oras pagkatapos ng Pacquiao-Morales 2. (In this corner, weighing 7.5 lbs, standing at 48 cm, wearing NO TRUNKS...)

Ano ang koneksyon ng baby ko sa blog entry ko ngayon? Isa kasi sa mga pinakamahirap gawin bilang isang tatay e ang magpatulog ng less than a week old baby. Wala akong dede para ipasak sa bibig nya pag nag-iiiyak sya. Nagwo-work din yung Brahm's Lullaby, pero ako yung nauurat e kasi naaantok din ako sa kanta (sa mga hindi alam kung ano yung Brahm's, sigurado ako alam nyo to di nyo lang alam yung title, hanap na lang kayo ng mp3 or MIDI sa Google).

E di sinubukan kong gumamit ng OPM para magpatulog.

Eto ang mga resulta:

Bamboo - Much Has Been Said

Instant hit to sa baby ko. Ito yung unang-unang OPM na narinig nya. Sakto kasi na umiiyak sya nung pinalabas yung video nito sa MYX. E di sinabayan ko yung video. Ayun. Tulog agad ang bata. Kaso nung gusto ko nang kantahin ulit, kailangan ko na ng kopya ng lyrics.
Rating: 3 out of 5 stars dahil kinailangan ko pa ng lyrics.
Hale - Kung Wala Ka
Nag-pay off ang pagkanta ko sa mga videoke ng Broken Sonnet tsaka The Day You Said Goodnight. Nakuha ko na sa wakas ang tamang pagkanta ng Hale songs. Para makuha mo yung style ni Champ, ganito: habang kumakanta ka, dapat hindi naghihiwalay yung mga ngipin mo tapos parang antok na antok ka sa pagkanta. Try mo. Gusto to ng baby ko. Yun nga lang pag ginagaya ko na yung Hale, nangingilo na ko. Masarap kantahin to pag nakadapa si baby sa dibdib ko habang nakaupo kasi parang nagva-vibrate kaming dalawa.
Rating: 3 out of 5 stars dahil nangilo ako kakagaya sa Hale.
Sugarfree - Tulog Na

Ok to kung yung verses lang yung kakantahin mo. Kung hindi lang dahil dun sa makabasag-itlog na chorus, eto yung paborito kong kantahin sa baby ko e. Masarap i-hum to pampatulog. Lullaby na lullaby. Tapos yung lyrics nya swak na swak sa moment:
Tulog na mahal ko
Hayaan na muna natin ang mundong ito
'lika na tulog na tayo
Tulog na mahal ko
`wag kang lumuha
Malambot ang iyong kama
Saka na mamrublema

Tulog na hayaan na muna natin sila
Mamaya hindi ka na nila kaya pang saktan
Matulog, tulog ka na

Tulog na mahal ko
nandito lang akong bahala sa iyo
Sige na tulog na muna
Tulog na mahal ko
at bukas ngingiti ka sa wakas
at sabay nating harapin ang mundo

Tulog na hayaan na muna natin sila
Mamaya hindi ka na nila kaya pang saktan
Matulog, tulog ka na
Rating: 4 out of 5 stars dahil kailangan mong babaan ang chorus kung gusto mong hindi magising yung anak mo sa pagpiyok.
Rivermaya - You'll Be Safe Here.
Di ko alam kung bakit, pero nung first time ko kinanta to sa baby ko, naluha ako e. Oo madrama pero hanep naman kasi yung lyrics ni Rico Blanco dito. Kinakanta ko rin kasi to dati sa misis ko e. Ngayon, pag hawak ko yung baby tapos kakantahan ng "you'll be safe here in my arms through the long cold night, sleep tight..", parang feel na feel ko na yung pagiging daddy. Astig. Yun nga lang, hindi makatulog ang baby ko dito sa kantang to. Nakatitig lang sa kin.
Rating: 3 out of 5 stars dahil hindi makatulog ang baby ko sa kantang ito.
Eraserheads - Wag Kang Matakot
Namamana talaga yata sa tatay ang musical taste. Pag ito na kasi yung kinanta ko, ang gaganda ng mga nangyayari. Nung unang kinanta ko to sa kanya, first time ko din nakita yung smile nya (alam ko hindi pa yun yung totoong smile nya, pero pwedeng-pwede na yun no!). Kinakanta ko to pag gising sya, habang nag-iinat-inat, tapos tititigan nya lang ako na parang gustong makipaglaro. Pag matutulog na sya, eto pa rin yung kinakanta ko. Nakakatulog naman agad. Baka naririnig na nya to habang nasa womb pa lang sya, kaya alam na nya yung song.

Rating: 5 out of 5 stars. Siguro, siguro lang ha, nakita ko na yung magmamana ng bibilhin kong Eraserheads Boxed CD collection na ilalabas ng Sony-BMG this year.

3 comments:

mapet said...

saktong-sakto! iy-ym pa naman sana kita na mag-blog ka na ulet! kelan ba namin makikita si bouncing baby boy? :D

- d a c s - said...

wow congrats!

ang sweet naman ng entry mo na 'to. naexcite tuloy akong magka-baby na rin na kakantahan ko rin ng mga paborito kong lokal na tugtugin :)

Unknown said...

ehhehe.. ankyut!!! i like reading your blog.. masaya