Friday, August 31, 2012

Pinoy Hip-Hop: Hindi Na Basura!

Baka hindi nyo na naaalala, pero noong 2006, nagrereklamo ako kung Bakit Walang Pinoy Rap Explosion? Isa ito sa mga paborito kong blog, kasi malakas ang kutob ko na yung "FM" na nag-comment dun ay walang iba kundi ang pinakamamahal nating Master Rapper, the late great Francis Magalona. Binigay ko kasi sa kanya yung link ng blog sa Multiply. Ang sabi nya:


Basura kasi ang ugali ng Pinoy rap fan. 

  1. Di nila binibili ang lokal rap music, kasi hindi "my nigga" ang dating.
  2. Di na nga binibili, puro HATE pa, pumunta ka sa mastaplann.com o pinoyrap.com, puro away, murahan, pa-gangstahan. Hate-hop ang dating
  3. Puro porma, supot naman. Peke ang bling, peke din and mga letra, mga nakaw.
  4. Hindi united
  5. kunyari maka-underground, pero sa totoo lang, hindi kaya ang fame, pag arena o stadium na tinutugtugan, mga may kabog sa dibdib.

Isang gabi, nanood ako ng Dope MNL Vol. 11 All-Stars! sa Saguijo. Umaapaw hanggang sa kalsada ang mga tao. Pero pag titingnan mo yung lineup, wala namang sikat na banda na kasali sa Tanduay First Five. Halos puro hip-hop ang sumalang. Napanood ko ang People's Future, Misyonaryo, The Out of Body Special, pati ang malupet na Lyrically Deranged Poets (LDP). Tapos, Stick Figgas kasama si Kat Agarrado.  Eto may nakuha akong video. Pasensya na kung madilim at sabog ang audio, yan lang ang makakayanan ng telepono ko:


Matagal akong napalayo sa Pilipinas kaya laking gulat ko na ganito na kalakas ang movement ng Philippine Hip-hop. Wala akong nakitang gumagaya ng attire ni Lil Wayne o Chris Brown. Wala akong nakitang may pekeng bling. Walang mapagpanggap. Walang nakaw na lyrics. Walang baduy na letra tungkol sa stupid love.

Hindi rin siguro coincidence na halos buong linggo ko nang pinapakinggan ang bagong labas na album ni Gloc-9, ang "MKNM (Mga Kwento Ng Makata)". Sa bigat ng lyrics sa album na ito, sa tindi ng collaborations (a.k.a tadtad ng salitang "featuring"), at sa pagpapatuloy ni Gloc-9 sa pagpuna sa kasalukuyang estado ng Maynila, hindi ako nag-iisa kung sasabihin kong kasama ito sa pagpipilian bilang 2012 Album of the Year.

Ngayon, gusto ko mang burahin yung blog entry ko, masyadong precious sa akin ang comment ni Sir Kiko. Gusto ko na syang tanggalin kasi alam ko, naramdaman ko, at nakita kong narito na ang "explosion" na hinahanap ko noon. Akala ko, noong nawala ang Francism, namatay din ang rap sa Pilipinas. Ngayon, kaya kong sabihin, with head held high: NAPAKAGALING NG PHILIPPINE HIP-HOP!

"Bless the man if his heart and his land are one. The three stars and a sun." - Francis Magalona

Sunday, August 26, 2012

Nakikiuso sa OPM is NOT Dead

Napuno ang Twitter feed ko ng "OPM is Not Dead" rants at ang pinakasikat eh etong Philippine Star article na nagsasabing OPM is Dead at itong "hindi daw nya reply sa OPM is Dead article" blog ni Carlo Casas. Ang masasabi ko lang eh "TANGINA I-DEFINE MUNA KASI ANG OPM BAGO KAYO MAG-AWAY!"

OPM as in Organisasyon ng Pilipinong Mang-aawit: BUHAY PA! Sila yung makikita mo lagi sa news na mga matatandang singers na nagrereklamo kung bakit dumadagsa ang foreign acts sa Pinas. Kasalanan din nila kasi panay naman ang cover nila ng mga foreign acts sa mga gig nila e. Kung ano ang nagpapayaman sa nakakatanda, sya ring gagayahin ng mga bata. Tulad ng ASAP Sessionistas.

OPM as in Original Pilipino Mainstream: PATAY NA! Dahil FM Radio at TV ang current na basis natin kung ano ang "mainstream", naghihingalo na talaga ang lagay ng mga original na Pilipinong kanta. Tanungin mo ang sarili mo kung ano ang huling original na Pinoy song na kaya mong kantahin kahit walang lyrics na nakikita kasi paulit-ulit mong naririnig sa radyo. Yan ang mainstream. Kung OPM para sa yo ang Pusong Bato tsaka yung Phone Na Nokia Di Sinasadya ni Bugoy Drilon, laos ka pa rin kasi lumabas yun bago mag-2010. Anong taon na?

OPM as in Original Para Mayaman: 50/50. Yung mga may pangalan na sa industriya tulad ng Parokya Ni Edgar, Sandwich, Urbandub, Gloc-9, Itchyworms, masasabi nating malaki na ang perang nakukuha nila sa trabaho nila. Pero yung mga bagong banda na naghihirap ngayon para mapansin, sorry, yan talaga ang simula ng lahat. Cliche, pero bukod sa hard work, swertehan din lang yan. Pakinggan nyo na lang yung kantang Popmachine ng Eraserheads. Lahat pare-pareho ang tanong, "Kailan ba ako makikilala? Kailan ba ako magkakapera?"

OPM as in Original Pilipino Music: BUHAY NA BUHAY! Alam nyo, dalawang taon ako nabuhay sa Singapore. Isa sa mga common icebreakers sa opisina doon kapag nalaman na Pinoy ka eh "So you're Filipino, you must sing very well!". Legendary ang passion ng mga Pinoy para sa music. Yan pa lang, masasabi mo nang bullshit ang "OPM is Dead" e. Ngayong nakabalik na kami sa Pinas, ang unang inatupag ko e pumunta sa Saguijo para pakinggan yung mga bagong banda. Nasa incubation period pa ang next batch ng mga legendary acts, pero mahuhusay talaga sila. Isa sa mga paborito ko: Stickfiggas. Seriously, panoorin nyo sila nang live.

Wala na ang NU107. Boo-frickity-hoo. Pero teka, nakanood ka na ba ng Dig Live From A Portalette sa DigRadio? Eh nakakanood ka ba ng mahuhusay na Tower of Doom Sessions? Ano ang paborito mong video sa SplintrDotCom? Eh yung habit-forming Java Jam Mondays, Rock Bato Wednesdays, tsaka Live at 2299 Thursdays sa Radio Republic? Kung ang definition mo ng OPM e NU107 at yung LA105-powered 90s alternative rock scene, kasalanan mo yan kasi hindi ka na naka-move on. I pity you.

Bilang pagtatapos sa "OPM is Dead" issue na ito, I shall quote one Original Pilipino Musician's tweet almost one week, I repeat, ONE WEEK bago lumabas yung Philippine Star article :