Thursday, November 21, 2013

Tabachoi's Top 20 Songs of 2013

May isang anonymous comment dun sa sinulat ko na Nakikiuso sa OPM is NOT Dead na nagre-request ng 2012 version ng Tabachoi's Top 20. Nakatulog ata ako noon, ngayon lang ako nagising e hehe.  Sorry, Anonymous, bawi na lang ako sa yo ngayon tol. Start na? Game.



20. Chicser - Hello I Love You


MGA ULUL, HINDI YAN! Hahaha ibang chickboy group pala:

Chicosci - Raspberry: Girl
Seryoso, anong pinagkaiba ng dalawang video na to? Parehong may mga nagpapa-cute na lalake. Parehong tungkol sa gerls yung kanta.

Ang sagot: si Ramon Bautista (bukod sa gusto mong hampasin ng dos por dos yung pagmumukha ng Chicser)

19. Bamboo - Carousel

From Pinoy rock's man of mystery to ABS-CBN's The Voice coach, hands down winner of my Sellout of the Decade Award. Sinasanay ko pa rin ang sarili ko na nakikita ko sya sa ASAP na kumakanta ng Backstreet Boys. Pero hindi naman ibig sabihin noon na wala na syang kwenta. Eto ang proof.



18. Ebe Dancel - Lapit

Buti na lang, bukod kay Bamboo, wala nang ibang frontman ng sikat na banda na humiwalay para mag-solo career no? Ay. Sorry. May isa pa nga pala. Pero wala akong masabi sa galing ng album ni Ebe na to, yung "Dalawang Mukha Ng Pag-Ibig" a.k.a. "the best Sugarfree album never made". Sample lang tong "Lapit" kung gaano kasarap sa tenga ang album na yun.



17. Paul Armesin - Segundo (performed by Yael Yuzon)

Noong unang beses kong narinig to, akala ko talaga bumalik na yung Sponge Cola sa panahon ng "Palabas" (yung unang album nila). Natuwa ako sa lyrics tsaka sa melody e. Yun pala finalist to sa Philpop Music Festival 2013, si Paul Armesin ang sumulat.



16. WOW! Triple Tie!
Shehyee - Trip Lang 

Abra - Ilusyon 

Ron Henley - Atat

Triple tie kasi parang halos pare-pareho ang beats per minute, style ng rap, pati yung paglagay ng magandang babaeng kumakanta ng chorus. Pero sigurado ako, napa-indak ka rin habang nakikinig sa mga kantang yan. Sarap sabayan no?

13. Gloc-9 feat. Zia Quizon "Katulad Ng Iba"

Anti-bullying song na mas maganda pa sa kahit anong nilabas ni Gloc-9 for the past 4 years, siguro dahil si Zia Quizon ang kumakanta ng chorus kaya hayyy trulab <3


12. Oktaves - Paakyat Ka Pa Lang Pababa Na Ako 
Kung hindi nyo pa napapakinggan yung Oktaves, isa ito sa mga bandang pwede mong iregalo sa erpats mo yung CD tapos mage-enjoy kayong dalawa sa mga kanta nila. Tapos kakantahan ka ng erpats mo ng "Paakyat Ka Pa Lang, Pababa Na Ako" hahaha


11. Flying Ipis - Past is Past, Bitch!

Astig talaga tong bagong all-girl band na to. Post-punk. Mas ok to kesa dun sa isang all-girl band na pang-FHM. Kung napatalon ka na sa studio version ng kantang to, panoorin nyo sila live. Ayos sa energy.

10. Greyhoundz feat. Loonie and Biboy Garcia - Ang Bagong Ako

Si Loonie ata yung rapper ngayon na dapat nilalagay mo sa "featuring" ng kanta mo, kung gusto mong umastig. Kahit ata yung "Jumbo Hotdog" ng Maskulados, pag nilagay mo dun si Loonie, magkakaroon ng respeto ang mga tao sa kanta e. E pano kung astig na bandang tulad ng Greyhoundz ang sinamahan ng Loonie? Eto, mamatay ka sa kaastigan.

9. Save Me Hollywood - High

Eto para sa kin ang Paramore ng Pinas. Sabi kasi sa akin ng isang kakilala ko, Gracenote daw e. Tsaka hindi ko rin alam kung bakit dapat may "Paramore ng Pinas". For argument's sake, parang Avril Lavigne kasi yung dating sa kin ng Gracenote. Mas mapapagkamalan mong Paramore song to kesa dun sa "Stop Stop".


8. Moonstar88 - Gilid

Oh em gee! Gash! Eouwh pfoehz! Ang kyut kyut pa rin ng kanta ng Moonstar88, considering na 13 years old na ang "Torete". Hayaan mong mag-away ang fans ng Gracenote at Save Me Hollywood, kasi sa akin, Moonstar88 pa rin talaga ang official songwriter ng Pinoy teenage girl problems.


7. Haunted - Ely Buendia (Theme from Bang Bang Alley)

Kumuha na naman si Ely ng inspirasyon sa Beatles doon sa intro ng "I Want You (She's So Heavy)". Feeling intro din ng Bond movie.

6. Sandwich - Back For More

Parang burger ng Jollibee, binabalik-balikan ko ang "Five On The Floor recipe" ng Sandwich: 150-160 beats per minute, recurring guitar riff, some experimental guitar/synth/loops, and that basic kick drum-bass guitar relationship that glues everything together. Nag-english pa ako para i-describe yung trademark na tunog nila, pakinggan nyo na lang, mage-effort pa ako e.



5. Rico Blanco - Lipat Bahay

Nostalgia ng dekada nobenta. Lahat ata ng lumaki noong 1990's makaka-relate sa mga ikinahon sa kantang to, except sa poster ni Dominique Wilkins LOL



4. Urbandub - Never Will I Forget

Lagi kong nako-compare ang bagong album ng Urbandub na "Esoteric" sa "Influence", kahit na 10 years ang pagitan ng mga album na yon. Para kasing yung babae sa kantang "Gone", nakita nya ulit tapos kinanta nya yung "Never Will I Forget"



3. Johnoy Danao - Dapithapon

1st runner-up si Johnoy sa Philpop 2013, pero hindi ito yung entry nya. Mas gusto ko to, kasi parang Jack Johnson ang pagka-laid back, tapos John Mayer ang pagka-bluesy. Si idol Johnoy ang Noel Cabangon / Gary Granada ng generation na ito.



2. Hiphop22 - Isang Jeep


Hiphop 22 is (in order) Loonie, Ron Henley, Abra, Apekz, Dash, Konflick, Jonan Aguilar, Klumcee, K-Jah, BLKD, Chi-nigg, D-coy, Mike Swift, Puting Kalabaw, Rhyxodus and Smugglaz.

Hindi ko kilala yung ibang rapper sa listahang yan, pero bilib na bilib ako sa nagawa nila. Noong unang narinig ko yan, sinabi ko sa sarili ko "TAENA ANLUPET!" Makalipas ang ilang buwan, yun pa rin ang sinasabi ko.

1. Up Dharma Down - Luna 

Ang #1 song ng 2013 para sa kin ay mula sa napakaganda at almost perfect album na "Capacities". Hindi ko na-realize na lampas isang taon na pala tong album na to. Hindi nakakasawang pakinggan kahit araw-araw na laman ng playlist ko ang mga kanta dito. Tulad nitong "Luna": hindi mapagkunwari ang letra: mas tumatagos sa puso kasi Tagalog, at universal ang tema. Pagdating sa tunog, "malinis" is an understatement.

Kung ang rate ng release ng Up Dharma Down ay 1 hit single per year, baka sa 2020 pa sila maglabas ng bagong album. Pero tingin ko by that time, hindi pa rin ako nagsasawang pakinggan ang album nila.


So that's it, kung sino ka mang nagtyagang magbasa nito! Sana sipagin ako at subukan kong gawing yearly countdown na to, hindi yung every 7 years.

4 comments:

Anonymous said...

Ulol ka Tabachoi

Anonymous said...

oo nga ulul ka

Anonymous said...

test

Anonymous said...

wow ser ayos sa countdown