Yo Yo Yo Yo! Uunahan ko na lahat ng mga gumagawa ng Top N Songs of 2006. For the record, natapos ko i-compile to 29 Nov 2006. Sana isa ako sa mga naunang gumawa ng ganitong countdown. Wag kayong mag-expect na may Cueshe, Christian Batista, or Starstruck/Pinoy Pop Superstar, Lito Camo - Manny Pacquiao collaboration, or acoustic cover band shit dito. Here we go!
20. Typecast - Will you Ever Learn
Dahil sa kantang ito, napabili ako ng "Every Moss and Cobweb" album ng Typecast, my 2nd emo album. Anthemic at napaka-cheesy ng chorus.
"Un-lonely nights
Romantic moments
The love, the love
What about them?
Throw it all away"
Papasa tong kanta na to sa Calla Lily at Cueshe, pero the fact na di gwapo yung bokalista at hindi sila fa-cute, ilalagay ko sila sa aking NUMBAH TWEN-TEYYY (insert galactic echo here)
19. Sponge Cola - Bitiw
Ang 2006 version ng "Iisang Bangka" ng The Dawn, napakahusay ng bandang Sponge Cola para pakawalan ang single na ito bilang carrier ng kanilang bagong album. "Transit" ang pangalan ng album, at ang carrier na ito ang reflection ng pag-move (or pag-transit =p) ng banda papalayo sa gasgas na tema ng pag-ibig ng unang album nila ("Palabas").
18. Hale - Blue Sky
Pogi Rock Rules!!! Mas gusto ko tong Blue Sky kesa sa Waltz (na carrier ng bago nilang album na "Twilight"), dahil mas kumakapit sa utak ang melody nito, at pag pinapatugtog to sa FX, napapansin kong dumadami ang gustong maging drummer. Napakalinis ng pagka-record ng kantang to. Kasing linis ng image ni Champ (ok gerls, you can scream now).
Kapag may nagtanong sa yo kung ano ang gusto nyong pulutan sa inuman, gamitin nyo yung chorus ng kantang to.
"... tuna at Blueskies na pinaghalowwww, pinag-halow-halowwww, shining and shimmering..."
17. Urbandub & Dicta License - Future
Eto ang isa sa mga proof na malaking factor ang music video sa pagsikat ng mga kanta ngayon. San ka nakakita ng music video na pinagsama-sama lahat ng bigatin ng Pinoy Rock ngayong 2006, tapos mga fresh faces na malamang-lamang sisikat sa mga susunod na taon? Ang kantang ito ang theme song ng MTV Staying Alive Music Summit for HIV/AIDS 2006.
16. Rivermaya - Bandila
Sa tingin ko, ginawa tong kantang to para tapatan ng 'Maya ang "Hallelujah" ng Bamboo. Pansinin nyo yung "hoo-wooohhhh" ng chorus. Pati yung message ng kanta. Parang pinagbiyak na bao ano po? Breakthrough ang kantang ito dahil ito ang kauna-unahang Pinoy rock anthem na ginawang theme ng isang news program. Ka-level na nito yung original theme ng TV Patrol nung si VP Noli De Castro pa yung anchor (eto yung tono: ten-tininen-tininen-tenen.. tenenent.. tenenen-tenen.. eeeengk).
Sana at nagsabay ang release nito tsaka ng Hallelujah para magkaalaman na.
15-14-13. (not in particular order) Orange and Lemons - Yakap Sa Dilim; Sugarfree - Batang Bata Ka Pa; Kamikazee - Doo Bi Doo
How should I describe "Kami NAPO Muna"? Let me count the ways...
- Ang pinakagasgas na album ng kapitbahay namin.
- Ang nagrevive ng pag-request ng mga APO songs sa videoke
- Ang tribute album na pitong kanta lang yung papakinggan mo, tapos naka-disable na yung iba.
Ang mga kantang nasa 13-14-15 (Carmina-Aiko-Ruffa) ay ang mga kanta sa album na ito na orig ang dating. Ibig kong sabihin e pwede mong isingit yung kanta sa album nung artist tapos papasa na orig nila. Parang "Pinoy Ako" hehehe. Isasama ko sana yung kanta ng Sandwich (Bakit Ang Babae), kaso, I have to reserve my Sandwich for later.
12. Pupil - Dulo Ng Dila
Speaking of Sandwich, nasa numbah 12 ang "Dulo ng Dila" ng Pupil. Breakthrough ang kantang ito dahil ito ang proof na hindi si Ely Buendia ang Pupil. Nuff said.
11. Sitti - Para Sa Akin
Pag nagasgas na ang mga bossa nova revivals, at maging ka-level na ng mga bossa artists ang mga acoustic cover bands, itong kantang to ang sisihin nyo. Dahil sa kantang ito nagkaroon ng mainstream acceptance ang sosi genre na bossa nova. Umapaw na ang mga record bar ng mga CDs ng "Bossa Nova versions of so and so", tsaka mga bossa diva. Ang 2006 ay ang taon ng bossa nova. This song started it all.
10. Parokya Ni Edgar - Ordertaker
LOOK! UP IN THE SKY! It's a rip-off! It's a revival? No, stupid, it's a PARODY!
Ang Ordertaker tsaka Bagsakan ang dahilan kung bakit binili ko yung Halina Sa Parokya. 2006 na nga lang lumabas tong Ordertaker. Nakatatak na sa utak ko ang video ng kantang to kung saan si Chito ay naging Ultimate Warrior (kaso dahil payat sya e muka na lang ita ng ati-atihan), at si Dindin si Ordertaker. Kung hindi ka wrestling fan, hindi mo gets ang video nito. Kung hindi mo alam ang Chop Suey at Toxicity ng System of A Down, hindi mo rin gets ang kantang to. Pero dahil fan ka ng Parokya at in ang Kamikazee ngayon, sumakay ka na lang. And that is a gooood.
9. Francis M. & Pikaso - Reach For The Stars
Nanalo lang naman ng Single of the Year sa 2006 Philippine Hip-hop Music Awards. Kung gusto nyong makita kung gaano kagaling ang hip-hop single na ito, panoorin nyo na lang dito: CLICK ME
8. Itchyworms - Beer
Kahit maraming hindi natuwa sa pag-release ng Refuckaged issue ng Noontime Show, patok na patok pa rin ang Itchyworms dahil sa beerhouse-friendly song na ito. Breakthrough ba ito? Oo. Ito ang kauna-unahang kanta na nag-promote ng alcohol, gumamit ng linyang "nais kong magpaka-sabog" at nag-describe kung paano "lumanghap ng usok" na hindi pinansin ng Philippine Senate.
7. Bebot - Black Eyed Peas
Yuck naman si Tabachoi o nag-feature ng kanta ng "may hamp may hamp may hamp". Seriously, ano yung huling kantang alam mo na gawa ng Pinoy na kasama sa isang album na umabot ng #2 sa US, #4 sa UK, #1 sa Canada, at #1 sa Australia, bumenta ng 295,000 copies sa unang week, na-certify na 6x platinum, at may sales ng higit 10.5 million copies worldwide?
Magpasalamat tayo sa isang Pinoy na nagngangalang Allan Pineda Lindo (better known as apl.de.ap.) at gumawa sya ng isang all-Tagalog song sa Monkey Business album ng Black Eyed Peas na nagbigay pugay sa mga babaeng Filipino.
Bakit kaya hindi umalma ang Gabriela dito? Hmmm
6. Dong Abay - Bombardment
Kakantahin ba to ng mga epal na artista sa ASAP o sa SOP? Hindi. Kaya paborito ko tong kantang to.
Isang kakaibang kanta tungkol sa mga choices na ginagawa natin na minsan pwede mong sagutin na "meron pa bang iba?" Walang ibang makakagawa ng ganito kagaling na kanta kundi ang henyong si Dong Abay.
5. Chicosci - A Promise
"VAMPIRES NEVURRRRR DIE !!!" ang kadalasang sigaw ni Miggy (ok gerls, you can scream again) pag kakantahin to ng live. Ito ang carrier single ng self-titled album ng Chicosci na pag narinig mo, unang papasok sa isip mo ang tanong na "bakit naging emo?". Ika nga ng prend ko na baklang-bakla sa Chicosci, "it's not emo, bitch. it's post-hardcore punk." Post-hardcore my ass.
Ito ang nag-convert sa kin para pansinin ang emo (or "pussified excuse for hardcore" ) genre na walang natatanggap na pagmamahal mula sa hardcore community. Dahil dito, natuto akong makinig sa Taking Back Sunday, Thursday, Saosin, My Chemical Romance, Dashboard Confessional, at Typecast.
Don't forget kids, itong kantang to ang demarcation line between Growling Chicosci and Screamo Chicosci.
4. Imago - Taralets
Yehey pa-mainstream na tayo ng pa-mainstream!
May kilala ka na bang nagsabi ng "kadiri naman yung Imago dahil sa Taralets, how jologs naman"? Kung meron, sapakin mo. Wag pala. I-nailcutter mo yung left nipple.
Sa Eastwood City ko unang napanood na kinanta to ng live. Nagtaka ako kung bakit pag kinakanta ni Aia yung chorus "taralets, tara tara tara lets, di ka na mabibigo wo-oh", tinataas nya yung kamay nya, tapos titingin sya sa taas na parang nagdadasal. Hindi kaya ang Taralets ay parang "Everything You Want" ng Vertical Horizon, na parang si Jesus yung kumakanta?
O yan, i-Google mo na yung lyrics, tapos basahin mong mabuti. Di ba?
3. Sandwich - Sugod
Please check if appropriate:
- Catchy guitar intro? CHECK.
- Masa lyrics that glorifies the Uruk-Hai congregation? CHECK.
- Inspired by Pinoy Rock Gods Juan Dela Cruz? CHECK.
- Mong Alcaraz of Chicosci on guitars? CHECK.
- Proof that Raimund Marasigan kicks ass? CHECK!!!
2. Kala - Jeepney
Ito ang kantang nagpasikat sa bandang KALA, na akala ko nung una e P.O.T. Ang kantang ito ay isang kwento tungkol sa manyakis na may binobosohang babae sa jeep na sa sobrang takam e nakipagkilala. JOKE LANG! Isang kwento ito ng pagkabighani ng isang binata sa nakasabay na dalaga sa jeepney. How Pinoy, how Goldilocks. Napakahusay ng pasok ng bass, guitar at drums sa kantang ito, swabe ang pasok ng mga salita sa melody, dagdag pa ang mala-Karl Roy na vocals ni Mike Grape. Kahit hindi coherent ang lyrics ng kanta, na-convey nito ang nais na ikwento ng banda.
Napakasarap sabayan. Dahil dito, bibigyan ko ito ng Special Award: Tabachoi's Videoke Song of 2006.
1. UpDharmaDown - Oo
Tabachoi's 2006 Song Of The Year is "Oo" by UpDharmaDown.
Bakit? Kasi ito ang kaisa-isang kanta ngayong 2006 na kahit sya lang ang kanta sa mp3 player mo buong araw, tapos 24/7 mo pinapakinggan, hindi mo pa rin pagsasawaan. Hindi pilit ang lyrics, seryosong nagsusumamo pero playful na nagboborder sa paglalandi. Mild ang banat ng instruments, pero napaka-powerful ng vocals. Universal ang theme, pero hindi mo mapinpoint kung saang genre mo ilalagay.
Dahil dito, napakalawak ng naabot ng kantang ito. Kahit anong radio station, kahit anong income level ng tao, kahit anong gender (lalake, babae, bading, tibo, protozoan), makaka-relate.
Sa UpDharmaDown, salamat sa isang napakagandang kanta. Congratulations! (parang napaka-prestigious ng countdown na to e no?)
Wednesday, November 29, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
41 comments:
ok ung analysis mo ng taralets. napa-google tlaga ko.
curious lang, ano ung process ng pag-arrange mo ng top 20 mo?
maraming salamat anonymous!
ganito:
1) ilista lahat ng mga nagustuhang kanta na nilabas ngayong 2006
2) pumili ng top 20 ayon sa criteria na ito:
- breakthrough ba ang kantang ito?
- carrier single ba ito sa bumentang album ngayong 2006?
- unang single ba ito ng pumatok na banda ngayong 2006?
- kagasgas-gasgas ba ito sa winamp?
- ginasgas ba ng myx ang video nito sa daily top 10?
3) arrange top 20 according to impact on the listeners
hehehehe!?...natatawa ko sa mga cnabi mo..lalo na ung kay chito..ehehe!?..galing mo gumawa ng top 20 songs..bat nmn wala ung stars?..hehhe!?..pero k lng..napasma nmn ung blue sky,bitiw heheh!?..pwede ko po bng icopy..and i popost ko lng sa blog ko..dont worry..ilalagay ko nmn po dun na thx for tabachoi for the credits..hehe!?..thx pO!
gawa ka ulit sa 2007 ha!?..=)
most of the songs approve ako, siguro pagpapalitpalitin ko lang ang ayos at magdadagdag bawas ng mga kanta.. pero ayos tong nagawa mong countdown! aus ung sistema ng pagpili mo dhil cnonsider mo lahat ng pwedeng iconsider... hndi tulad ng sop awards na palakasan lang..
hello again anonymous!
bakit walang stars? i assume you're talking about stars by calla lily, hindi yung sa simply red na sinayaw ng universal motion dancers. hehe
yung bitiw, hindi sya love song. as ive said, malaking leap to sa songwriting ng sponge cola mula sa nakasanayan natin na love songs nila.
personal preference ko yung blue sky kasi mas matindi ang LSS (last song syndrome) effect nito.
bakit po di napasama ang Bamboo? Dami nila hits na song ah...
hi there again anonymous!
yes, maraming hits ang bamboo ngayong 2006. pero nire-reserve ko ang bamboo mania for next year dahil tingin ko sa bagong album nila ang 2007 song of the year. hehe
Oist!
Astig talaga ang analysis mo pare. Kung may pinoy version na rolling stones magazine, pwede ka na maging editor-in-chief nun. :)
-impakto24
nagulat lang ako mas nakapasok pa future kesa sa 1st of summer na..
hindi ako nakikinig ng kazee pero nasaan ung narda?
hehe.. teka countdown mo naman pala to kaya based sa panlasa mo ang ranking..
dear betong blogs,
pakibasa yung unang paragraph ng entry ko. no Lito Camo-Manny Pacquiao collaboration here. stupid crack whore.
pow, hindi ikaw yung prend ko na baklang-bakla sa chicosci. pramis. hehe
KuyaAceNgBayan,
oo nga first of summer no?! pakialis na lang yung typecast sa numbah 20, tapos pakilagay yung first of summer para happy tayo! hehe
narda late 2005 pa yata yun e..
waaah. astig ang #1 song mo, hindi ako nadisappoint sa suspense, hindi ko kasi tinignan agad yung #1 hehe. good timing LSS ako sa kanta na to ngayon..
di mo lang alam...
mali yung title mo sa number 16 - isang bandila po un.. yung bandila pamagat un ng tv news program. at mali rin ang tingin mo sa kanta. hindi un ginawa para tapatan ang halleluyah.. ang layo kaya ng lyrics ng isang bandila sa halleluyah. ang kung wooohh sila nagkaparehas.. mas ginaya pa nga ng bamboo yung woowoooh ng liwanag sa dilim dun sa halleluyah nila.. pero hindi ko naman sinabi na ginaya ang sa akin lang kung ikukumpara mo yung woohhhhhhh mas magkalapit yung liwanang sa dilim (na mas unang na-release na song) at halleluyah. compared sa isang bandila and halleluyah.
betong blogs,
yan ang hirap pag nasosobrahan sa extreme magic sing e. nagiging mentally handicapped.
anonymous rivermaya fan,
wala akong sinasabing ginaya. sabi ko "pantapat"
may bamboo fan na nagrereklamo, tapos may rivermaya fan na nagrereklamo. where's the love?
nice blog... haha..
A PROMISE -> my favorite chicosci song... gaLing nila...
SUGOD -> favorite sandwich song. astig nga nung intro,fave. part ko dun, ung drums.. den pasok ng guitars at bass..(tama ba ako??)haha.. i Lab the band. i saLute sir raims.. the rest of the band members are fantastic.. and ang gwafu ni mong.. haha..
ORDERTAKER -> i Lab parokyaniedgar. magaLing tlaga cLa.. tapos na ang usapan.. haha..
(p.s. i had a fun time reading ur bLog.. haha.. nice one!! naks!)
"yes, maraming hits ang bamboo ngayong 2006. pero nire-reserve ko ang bamboo mania for next year dahil tingin ko sa bagong album nila ang 2007 song of the year. hehe"
I LOVE YOU TABACHOI FOR SAYING THAT. ISANG MASARAPPP NA MUWAHHH! Rivermaya?
Bakit, may Rivermaya pa ba? Hahaha.
PEACE!
bamboosgirl
nice one..galing pagkaka-aus ng top 20 sa blog na to,..pang mag and music television ang dating..
pareho tau ng tingin dun sa bandila song ng rivermaya.."pantapat" nga siya sa "halleluyah"..
ung analysis sa taralets, ngaun kolang narealize un ah..my point ka dun..hehehe
nkakatawang may laman ung gingawa mong mga analysis ah..
sayang, wala join the club..heheh..
anyway, may sandwich naman, which, btw, korek ka dun sa sinulat mo.., may pupil, urbandub, imago, and updharmadown....at spongecola na din..
galing!..
try mo gumawa ng top 20 albums of the year..hehehe..
ayos..
nag-enjoy naman ako sa pagbabasa ng countdown na yon..
ayos siya, najustify ng maayos kung bakit ganoon ang ranking..
pero kung ako yon, Sponge Cola ang nasa top (isa kasi akong dakilang loyalist ng sponge cola.)
wala lang, sinabi ko lang kasi sabi mo don sa message mo na nabasa ko sa mailing list ng sponge cola, parang something na 'magkapareho ba tau ng top20'..
so yun, sa sarili kong countdown, ung mga nasa top ng list ko, sponge cola at chicosci siguro. sobrang gusto ko ang sponge cola eh tapos yung chicosci, gusto ko rin sila. :D
yun lang.
more power.
aabangan ko ung sa 2007. :D
ps. sasabihan ko yung mga kaklase ko sa masci na basahin itong blog mo. ayos ang nilalaman. :D
bro, ngaun ko lang to nabasa, pero kahit ndi ko alam ung mga kanta, mahusay ung review hehe
pero mukhang OPM to di ba? bat may bebot? OPM na din ba ang black eyed peas?
-yodilehihu
hahaha..ang saya ng top 20 na toh!
i have to agree with your number one song..iba talaga ang upDharma down..yey!
dahil din sa CHICOSCI na-appreciate ko ang mga "emo" songs..
"(scream), miiiiiigggggy, (scream)...and yes im one of those gerls!
hi tabachoi, astig sa top 20 songs ah! agree ako sa iyo na number 1 ang oo ng UDD. sana lang nasama mo yung much has been said ng bamboo.
pati pala yung hiling ng paramita.
astig! hehe. natuwa ako kasi numero uno yung "Oo"
Kung sabagay totoo naman hanggang ngayon di ko parin pinagsasawaan.
Nasan ang "Ingay" ng Pin-Up Girls?
Pa-link ako ha?
waaaaah astig.ayos lahat hehe kaya lan nawindang aku sa bebot hekhek.reminds me of kuya miggy of koski..
ye.updharma!!huhuy.,astig.typecast.dulo ng dila.wala na!la ku masabe.
astig pu kau.dadagdag ku dun ung nobela ng join the club.un lan.
hi bamboosgirl,
akin si bamboo! hahaha
hi anonymous na nagrequest ng top 20 albums,
mahirap ata yon a. pero kung may album of the year 2006 ako, yung "A Fever You Can't Sweat Out" ng Panic! At The Disco. kung OPM, "Flipino" ni Dong Abay.
hi chee,
2005 ata nilabas yung "much has been said" kasi naaalala ko january pinanganak yung baby ko, tapos matagal na sa top 10 yung kanta.
hi Der Fuhrer,
sa totoo lang, mahirap magsiksik sa top 20. dapat nga top 30 to kaso baka sobrang haba na ng article. tingnan mo, madaming kanta yung wala. may nagrereklamo pa nga kasi walang manny pacquiao e.
har har
yodi184,
bro! yung Bebot ng BEP, all-Tagalog yung lyrics, tapos Pinoy yung sumulat at nag-perform. so mako-consider ko syang OPM.
salamas!
oo nga bat walang "first of summer"??? Wat's Emo dude??? Chocosci Rocks!!!
oo nga... bat walang "first of summer"???
Wats emo dude?
Chicosci rocks!!! haha
oo nga... bat walang "first of summer"???
Wats emo dude?
Chicosci rocks!!! haha
top 20 ng mga marunong mag-appreciate ng effort sa pag-gawa ng musika at kanta. Astig pre.
cheers Kwatro!!!
aba interesting choices. I don't say I'd agree in general though. The artists that should be mentioned are definately there, but the songs I would pick are probably different :)
Gonna come out with my own list ina few weeks ;)
Cheers!
yo dodobird,
thanks!
hintayin ko yung top 2006 albums mo. pupusta ako Tala-Arawan yung #1. hehe. sana Flipino.
hi phoenix,
yep medyo jologs nga yung top 20 ko pero yan yung nagasgas ngayong year e.
salamat!
pareho tayo, i started listening to MCR, Saosin & The Used when I heard Chicosci's 'A Promise'. And seeing them live... my gawd! ang galing!! (*ehem* i'm one of those gerls din.. fangirl ba? XD). Isa yun sa mga songs sa MP3 player ko na hindi ko pinagsasawaan habang nasa byahe sa LRT sa umaga & bus sa gabi pag pauwi na.. hehe. Kasama din sa iilang songs na yun ang 'Sugod', 'First of Summer' at 'Oo'. I was asking the same question sa kapatid ko, kung san ba iclaclassify na genre ang Up Dharma Down? Pero wth, i love them! 'OO' ang pinakapaborito kong song ng 2006! Loved your Top 20! [^_^]
that's a pretty cool top ten you got there goin' on dude...
just keep on rockin'
\m/ ~vampyr~
yeah i agree, religous nga ang taralets at oo masaya nga pakinggan ang oo! haha
Post a Comment