Ngayon, may panibagong Pinoy band explosion. E bakit hindi makapag-explode ang Pinoy rap ngayon?
Marami sigurong magsasabi sa kin, "wala kasi sa radyo tsaka sa TV ang mga totoong Pinoy rappers ngayon. Nasa underground sila," o kaya may mga magsasabi din na "nandyan naman ang Salbakuta a. Nandyan din yung Dice & K9. Nandito din yung Dicta License. Pati 7 Shots. Nandito rin ang SVC. Nandito rin si Gloc9, wala syang apelyido, magbabagsakan dito in 5, 4, 3, 2.."
Siguro nga may presence ang rap sa mainstream. Pero ang keyword dito ay DOMINATE. Bakit nga kaya hindi na makapag-dominate ang Pinoy rap sa mainstream? Bakit mas mag-aaksaya ng load ang mga tao sa pagboto sa video ng Westlife kesa sa video ng isang isang Pinoy rapper/rap group?
Siguro nga marami ding factors kung bakit hirap na hirap maka-establish ng totoong kultura ng Pinoy rap/hip-hop dito. Kung hindi natin hahanapin at bibigyang solusyon ang ugat ng problemang ito, kawawa naman tayo. Hip-hop na ang nagdo-dominate na genre sa mundo, tapos wala man lang tayong pambato bukod kay Francism at kay Andrew E?
Bakit nga ba hirap mag-dominate ang Pinoy rap sa mainstream?
Tingin ko, isa sa mga ugat ng problemang ito e yung hirap na maka-relate ang A & B crowd sa Pinoy rap kumpara sa pag-relate nila sa Pinoy rock song. Ang mga usual kasi na subject matter ng rap ay love & sex, bragaddocio (yabangan), partying, storytelling, crime, drugs, at sociopolitical commentary. E ang mga rap talaga e galing sa streets yan e. Imposible talagang maka-relate ang mayayaman sa kwento ng mga mahihirap. Kung dedma sa A & B crowd ang rap group, walang kang makikitang nakakabit na "MAJOR" sa mga salitang tulad ng "sponsor", "concert", at "event" sa rapper/rap group na ito.
Dahil sa diskriminasyon ng mga mayayamang ito sa mga dukhang rapper, nagkukunwari na lang ang ibang rapper/rap groups na wala sila sa Third World country. May napanood akong video dati ng isang Pinoy rap group na nakakadismaya. Nakasakay sila sa magagandang kotse, may kasamang mga chicks, may champagne, with matching bling-bling, at panay ang "uh-huh, uh-huh, yeah" na nagfi-feeling na P Diddy. Naknamputsa. Kung foreign na video yon galing sa US o UK o Japan, ok lang e. Pag Pinoy kasi ang gumawa ng ganun, ang unang iisipin mo e "kanino kaya nila nahiram yung kotse?" o kaya "saang beerhouse kaya nila nakuha yang mga babaeng yan?". Imbis na mapa-"WOW, COOL" ka, mapapa-"#&^@%#$% ILIPAT MO NA NGA YAN SA IBANG CHANNEL!" ka e.
Iilan din lang siguro talaga ang mga rappers o rap groups na may mentality na "Think Global, Act Local". Mas gugustuhin pa ng ibang rapper isuot ang jersey ni Dennis Rodman kesa jersey ni Jaworski. Dine-deny ng mga rapper/rap group na ito ang Filipino roots nila. Si Apl.De.Ap nga ng Black Eyed Peas, proud na proud sa pagiging Pinoy nya, samantalang itong mga rapper na nandito sa Pinas, gustong maging xerox copy ni Nelly o kaya ni 50 Cent. Naisip ko lang, siguro ang appeal ng mga Pinoy rock groups e kaya nilang mag-tunog foreign pero Pinoy na Pinoy ang lyrics. For example, yung Bamboo. Pwede naman nilang carrier single yung Mr. Clay o kaya yung As The Music Plays, pero bakit Noypi yung ginamit nila?
Siguro rin walang masyadong controversy na nagmumula sa mga rapper o rap group. Hindi buzz worthy ang karamihan sa mga personalities na nasa loob ng kulturang ito. Si Andrew E. kailangan pang mag-isip ng kung anu-anong double meaning na kanta para mapansin ng censors. Pag napansin ng censors, may publicity. Pag may publicity, may bibili ng album. Kung paggawa lang ng buzz, pwedeng experiment siguro ito: dalawang rap group na magkakabarkada pero gagawa sila ng scripted na rivalry (parang wrestling). Yung ire-release ng isang rap group na single, tungkol sa bulok na rap group na
Last but not the least, naisip ko lang na madaling pagsawaan ng mga tao dahil masyadong maraming sumusunod sa template ng sumisikat na rap. Tingnan nyo yung S2pid Love ng Salbakuta. Yung rap ba na tungkol sa sawing pag-ibig tapos lalagyan mo ng sample ng isang sikat na love song. Parang lechon manok na nagsulputan yung ibang rapper na nagkukwento tungkol sa kasawian nila. Jusko, sukang-suka na ko sa mga nakakaawang love story nyo na niloko kayo ng babae na nahuli nyong nakikipagsex sa iba tapos iniwan kayo. Tama na yung isang S2pid Love. Mag-isip naman kayo ng ibang topic.
Sana nga magkaroon na ng rebolusyon sa Pinoy rap. Sa tingin ko, ito ang missing ingredient sa pagsulong ng Original Pilipino Music. Pag may established na Pinoy rappers at rap groups, ganap na mabubura na sa mundo ko ang mga foreign rapper na yumayaman kasi walang ibang kinukwento kundi yung pera nila tsaka yung mga babae nila.
Sa mga Pinoy rap fans, opinion ko lang to. I call it as I see it. Kung may violent reaction kayo, feel free to comment on this blog.
5 comments:
sawang-sawa na ako sa mga rap songs na nilalagyan ng songs in between ng rap lyrics na babae usually ung kumakanta. nakakatulig na sa tenga.
tulad ng sinabi mo na, sana wag nilang gayahin ung mga international rap artists. ampanget kasi eh.
oks. salamat sa info. pero ang sabi ko naman kasi yung pagpasok sa mainstream e. i never saw george javier promote rap or establish rap as a legitimate genre sa OPM. novelty lang yata yung na-release nya.
about unity, malaking problem talaga yun. yung meaning ng hiphop, hmmm. kung hindi ka talaga magbabasa at maghahanap ng references, walang ibang meaning ang hiphop kundi bass, rhyme, turntable, bling, at walang katapusang yabangan.
Tama yung sinabi mo. Bakit kaya ginagawa nila sila 50 cent or something? Eh sa totoo lang mas malupit pa ron si Francis M, Looniie, at Gloc 9 eh. Baliktad nga eh yung mga rapper dito sa U.S. gustong gusto nila maging katulad nila Francis M. tas mga rapper sa pinas gustong Gusto maging mala 50 cent. Eh dito hindi naman masyadong big celeb sila dito eh. Ito commentan nyo na lang kaming undeground rappers hhahaha >>>>www.soundclick.com/ezkapo<<<<<< check nyo po kung ok lang kami mag rap at kung ang papangit ng topic namin hahaha
Tama yung sinabi mo. Bakit kaya ginagawa nila sila 50 cent or something? Eh sa totoo lang mas malupit pa ron si Francis M, Looniie, at Gloc 9 eh. Baliktad nga eh yung mga rapper dito sa U.S. gustong gusto nila maging katulad nila Francis M. tas mga rapper sa pinas gustong Gusto maging mala 50 cent. Eh dito hindi naman masyadong big celeb sila dito eh. Ito commentan nyo na lang kaming undeground rappers hhahaha >>>>>www.soundclick.com/ezkapo<<<<< check nyo po kung ok lang kami mag rap at kung ang papangit ng topic namin hahaha
yo bro, nabasa ko lang. search lang ako sa net napadpad ako sa blogspot mo eh. anyway.. kahit luma na post mo ok lang. hehe.. topic was year 2006 back then puro band i agree. nasa taas ang banda sa promotion wonder why walang pinoyrap na lumalabas well tama nasa underground sila back then. and about albums.. in mainstream? as i can remember i ask that question before kay Brian (Klutch-B).. kabit walang masyado pinoyrap albums na lumalabas.. he simply answered kasi daw.. mga naka upo sa pwesto (recording comp) was mga band producers and managers. honga naman sinu gusto mag invest sa alam nating konti lang ang bibili napipirata pa? brian alsa said that time baby pa talaga ang pinoyrap. i do agree. mahina that year.. hmmm forward tayu.. this year around namatay na si francisM lumalao na pinoyrap scene.. hindi natin napapasin. pero wala pa ding mainstream albums.. hindi na ata uso mainstream albums sayang lang mapipirata eh. mas ok pa i benta nila underground sure hit kita nila. haha tare lets watch FLIPtop very entertaining.. kesa mag head bang..
Post a Comment