Monday, December 19, 2005

Itchyworms - Noontime Show

Nagsimula na parang noontime show, natapos na parang Broadway. Akala ko Light Peace Love ang 2005 Album of the Year. Sorry, Bamboo fans, pero para sa kin, ang Noontime Show ng Itchyworms ang Album of the Year. Well crafted, pinag-isipan, hindi lang kaskasan, hindi sa kung saang dimension hinugot ang mga lyrics.

Maikukumpara ko ang Noontime Show sa Fruitcake ng Eraserheads, ang kauna-unahang Pinoy rock concept album na narinig ko. Maraming characters, maraming point of view. Pero ang pinagkaiba nito, ang Fruitcake, nag-revolve sa isang story. Ang Noontime Show, nag-revolve sa isang mensahe. Isang mensahe na pinagtatawanan lang natin o pinapalipas lang. Ginamit ng Itchyworms ang medium na ito para ipamahagi sa mga tao ang kanilang niloloob sa kabulukan ng kasalukuyang kultura ng Pilipinas.

Pag na-internalize mo ang message ng album na to, marahil magbabago na ang tingin mo sa mga noontime show na ginagawa mong pampalipas oras. Habang may sumasali sa mga contests na tinatapatan ng pera ang dangal ng tao, habang may production number kung saan naroon ang mga artista na sabay-sabay kumakanta, habang may mga mukhang tangang nagsasayaw, habang may banda na may kasamang epal na artista, papasok ang tanong na ito sa isip mo:

"Hanggang dito na lang ba ang masa?"

Eto ang aking dissection ng album:

"Ang susunod na programa ay di angkop sa mga batang manonood. patnubay ng magulang ang kailangan"

Noontime Show
Nag-umpisa ang kanta na may fake audience clap na ala-1980's GMA Supershow.

Para sa kin, may tatlong point of view na mapapakinggan sa kantang ito. Yung chorus parang script ng mga artista sa noontime show, "Sali na, dalhin ang barkada, uulan dito ng pera...". Yung verses nila parang point of view ng mga producers/TV station, "Halina at sumama sa programa na pangmasa, hindi kailangang magaling ka bastat bibo't bongga ka..". At yung bridge, sermon ng Itchyworms sa mga kumakagat sa gimik na to ng mga noontime show, "Wala naman kayong alam, ginagawa kayong tanga...".

Ginawang facade ng Itchyworms ang masayang kanta, pero nagpapadala sila ng isang seryosong mensahe. Maraming naghihirap sa Pilipinas. Kaya kung ikaw ang TV station, paano mo mahihikayat ang mga tao para manood ng palabas mo? Silawin mo ng pera.

Buwan
Siningit nila ang intro na "Ka-Tol" para magmukhang intermission number ito sa noontime show. Yung "Ka-Tol" nila obvious na reference sa "Kapuso" at "Kapamilya" wars.

Yung Buwan, isa sa mga love songs na nakakalat sa album. Bakas na bakas sa kantang to ang, sa tingin ko, major influence ng Itchyworms. Pwede mong isingit ang kantang to sa isang album ng Eraserheads (pwera Fruitcake), pero di mo mapapansin na Itchyworms pala. Maiisip mong si Marcus Adoro ang bumabanat ng lead guitars dito. Tapos pakinggan mong mabuti yung pagkanta nila, lalo na yung "inaamoy ang yong pisngi", style ni Ely.

Contestant #1And now back to the noontime show. Isang commentary na naman ng Itchyworms sa masang Pinoy na dikit sa theme ng album. Isang malaking "PERA LANG ANG KATAPAT MO!" ang message ng kantang to. Oo nga naman, masayang manood ng mga taong ibebenta ang dangal nila. Ika nga sa kanta, akala nila panalo sila. Yun pala sila ang talo.

"Igugulong nyo ung bato, pagdating sa dulo, luhod sa asin, kainin ang bato at manalo ng BENTE PESOS!"

Akin Ka Na Lang
Madadagdagan na naman ang mga repertoire ng kanta ng mga loser sa Pilipinas. Mahahanay mo ito sa mga kantang tulad ng "Iwanan Mo Na Sya" ng Parokya Ni Edgar tsaka "Paa" ng Da Pulis. Mga kanta ng mga nauunahan ng mga swabe at gwapo.

Medyo naaalala ko dito yung "Wouldn't It Be Nice" sa Pet Sounds album ng Beach Boys. Noong una akala ko talaga Beatlesque to e pero nag-isip ako ng kanta ng Beatles na parang ganito. Meron pero hindi ganun kalapit (You're Gonna Lose That Girl). Tapos inisip ko Eraserheads. Wala silang kanta na kapareho nito e. Ayun. Kaya hinukay ko ang Pet Sounds sa aking Classics folder at doon ko natagpuan ang "Wouldn't It Be Nice" (meron ba nito sa 50 First Dates soundtrack?)

BeerDim the lights. Buksan ang pulang ilaw. Ilabas ang mirror ball. Kumuha ng babae. Mag-slow dance sa kantang ito. Beer. Ang pinakagusto kong kanta sa album na to. Hindi ko alam kung paano ako naakit ng kantang to. Yung reference ba sa alcohol? Oo manginginom ako pero di ko naman na-tripan yung Sige ng 6CycleMind. Yung tema ba? Broken hearted na lalaki na dinadaan sa inom ang sama ng loob?

Siguro bukod sa paggamit ng word na "OLATS" sa isang kanta, naaliw ako sa melody ng kanta na to. Swabe ang halo ng 70's Manila sound sa senti nya. Beerhouse na beerhouse. Dagdag mo pa ang napaka-catchy na chorus. Tipong sasabayan mo pag umattend ka ng concert ng Itchyworms.

Magiging classic videoke song to.

Salapi
Sa intro nito mare-realize mo ang masamang epekto ni Pepe Pimentel sa Pinoy pop culture. Ang Balde o Salapi ay obvious na reference sa mga "spawn" ng Family Kwarta o Kahon, ang "Pera o Bayong" tsaka yung "Laban O Bawi". Siguro kadugtong ito ng Contestant #1, na kung saan pinapamukha nila sa mga tao ang kasalakuyang sitwasyon ng Pilipinas. Pera ang katapat ng dangal ng mga tao.

Astig yung instrumental dito na nagsimula sa 01:20 hanggang 2:13.

One Ball
Ang unang english song sa album. Medyo diskaril ang kantang ito sa theme ng album kaya ginawa nilang ito yung kantang isasayaw ng "Bembang Bebots". Simpleng-simple ang kantang to. May part dito na naaalala ko yung "Fabulous Baker Boy" sa Fruitcake ng Eraserheads.

Love TeamIsa to sa mga paborito ko sa album. Napaka-orig ng concept ng kanta. Point of view ng isang artistang may ka-love team pero totoo palang in-love na sya sa partner nya. Ang galeng. Naiimagine kong kinakanta to ni Mark Herras. Yeah right.

Siguro sa ngayon, alam nyo na mas concerned ako sa laman ng lyrics tsaka sa concept ng kanta kesa sa mga technical mumbo jumbo ng gitara at drums.

Wala Nang Pwedeng Magmahal Sa Yo
Ang aking "WHAT THE F*CK?!?!" song sa album. Magaling yung kanta na to. First song na narinig ko na napa-"SICK!" ako sa lyrics. Ayos yung pagkasulat ng phone conversation dito. Edna vs her stalker. May siningit pa rin silang commentary na para sumikat dito Pilipinas, dapat maputi ka.

Alam ko wala talagang aamin na nakaka-relate sila sa character sa kantang ito. Pero kung titingnan mo yung mga fanatics sa mga noontime show, may probability na mangyari to e. Wag naman sana umabot sa point na may mamatay na direktor kasi hindi marunong pumili ng shots.

Mr. Love"Dear Mr. Love, my name is Boy. Im only 39 years old, and I haven't had a girlfriend yet..."

Lampas na ako sa 3/4 ng album, wala pa rin akong naririnig na patapon na kanta. Bago na naman yung putahe dito. Conversation naman. Sagutan yung mga verses, isang idealist at isang cynic, nagtatalo tungkol sa love.

Sa chorus nito ("Live your life a little, fold it in the middle and send it out.."), naaalala ko yung Oasis kasi parang ganito sila sumulat.

Everybody Thinks You're CrazyCommentary na naman ng Itchyworms sa mga taong tamad, bahala na, at umaasa na lang sa mga noontime show para bigyan sila ng pera. "We put all our hopes in only one box and pray that it has a lot of magic...". Laban o Bawi.

As a single, hindi mo maiisip na Itchyworms ang kumanta nito. Makakatayo sya mag-isa at pwede mong sabihin na pang "next step" na ang tunog ng kantang ito para sa kanila. As a piece in the album, ito yung unang kanta sa album na seryoso, madilim, at malayo sa happy-sappy mood na bini-build up ng mga previous na kanta.

Falling StarEto ang hinding-hinding mawawala sa mga characters ng noontime show. Ang washed up actor na wala nang career. Sorry sa mga fans ni Onemig Bondoc, pero pag naririnig ko tong kantang to, naaalala ko sya. From matinee idol to soap opera extra to Chowtime Na. What are the odds?

Malungkot at insecure ang kantang ito. Dine-depict ang limbo na kinalalagyan ng maraming artistang ginamit at ibinasura ng major TV stations. Mga na-discover ni Kuya Germs o mga nanalo sa mga Search for This and That Star na walang pinatunguhan.

Soap O Pera
Hindi mo kailangan mag-isip ng malalim para makuha ang gusto nilang sabihin dito. Tinatanong ko rin sa sarili ko kung bakit patok na patok ang mga telenobela sa TV. Siguro wala lang talagang maisip na maibibigay na iba ang mga TV station sa mga nanonood.

Dahil sa pagsingit nila ng lead guitar to the tune of Noontime Show, binigyan nila ng "reprise" feel yung kanta. Mahusay na conclusion naman ang kantang ito sa theme ng album e. Ano yung theme ng album? Ginagawang tanga ng TV ang mga Pilipino.

Production NumberAng pinakamalupit na encore na napakinggan ko. Narito lahat ng characters ng Noontime show, kelangan ko lang malaman kung ano ang mga pangalan nila. Para kang nanood ng bulok na Broadway play tapos nagro-roll call na.

00:37 Rodel "Jukebox" Rodrigo - Parody ni April Boy
01:13 Wacky, Cholo, and Paeng - Parody ng mga boy bands.
02:12 Balik kay Rodel "Jukebox" Rodrigo with Aegis-like backup vocals
02:50 Apat-apat - Parody ng Ocho-ocho
03:25 Bembang Bebots at mga macho-gwapitong "Dreamboy(?)" - Parody ng Sexbomb, Masculados at mga double meaning na walang kwentang kanta
04:36 Buwan
Ramir Ramirez Jr - Parody ba ni Robin Padilla to?
The Cast of Akin Ka Na Lang - Parody ng mga telenobela actors na sabay-sabay kumakanta sa mga noontime show
05:33 Beer
Lolita Morales - Parang si Pilita Corrales
Fuji Nakamura and Yumi Nakayama - mga Japanese actors
06:17 Salapi
Carlos Santa Ana - Hehehe. Parang Carlos Santana with Rob Thomas. Pati gitara pang Santana e (Hayop! Di po ba?). Pakinggan nyo yung lyrics. "Di malaman-laman ang sanhi. Di makikita kita ang ..." Fill in the blanks.
06:45 Wala Nang Pwedeng Magmahal
Ang dami ng mga "artista" dito. Di ko nakuha mga pangalan e. Pero parang narinig ko boses ni Aia ng Imago.
07:48 Nagwala na. Showband mode na sila dito. Mga tipong pang-second set ng showband. Kuhang kuha pati yung "Huh-huh-huh-huh" na parang Jennifer Lopez sa Let's Get Loud na laging ginagawa ng mga showband pag sayawan na.
10:02 Encore
"Lahat ng ito'y kasalanan namin. Hinain namin sa inyo kahit hindi wasto..." Ang husay ng areglo nito. Eto na ang part na kung saan bababa na ang curtain at magpapaalam na ang mga artista sa play.

10 comments:

peso de guzman said...

nice one tabachoi!

: )

balak ko rin dating gumawa ng album review ng nts...pero kuntento na ako sa mga inilalagay niyo sa reviews niyo, kahit na 'di ko pa nababasa nang buo ang article na 'to.

i agree with you...NTS is on of the best album in OPM history...not just for being an album of the year!

and just want to add sa bandang hulihan...'yung production number:

'yung lines na "nasa'an ka man, pag-ibig ko, walang hanggannnnn"...is jose mari chan's parody.

nice job!

unk boaz said...

hayop!
hanep!
ganda ng blog!
saludo ako sa yo!

sana ganito ka in-depth ang lahat ng reviews mo. yung akin, short write-ups nalang since nawalan na ako ng oras.

sana dumami pa ang OPM bloggers... malay mo pwede tayo gumawa ng sarili nating yahoogroups. hehehe.

mahusay!
panalo!
i'll link you up for sure sa blog ko and my next blog entry will be one to promote your site.

sana you can keep up the excellent work.

tabachoi said...

yo dodo bird!

maraming salamat! kung hindi dahil sa blog mo, hindi ko gagawin tong blog na to e.

mabuhay ang pinoy rock!

tabachoi said...

insane elaine,

ako din talaga yung sumulat nun sa ultraelectromagnetic jam. pinost ko lang po dito para may kopya ako. pag natabunan na kasi yung post mo sa yahoo!groups, mahirap na i-search e.

salamat sa comments!

dreamsatopanashtray said...

panalo talagaang itchyworms pare. at ayus ang rebyu mo, magaan pero malaman. sana makahanap din ako ng panahon makasulat ng rebyu at mahahabang akda. asteeg ka pre.

crazy said...

Itchyworms! Noontime Show! Love, love, love, love!!!

Nice blog!

tabachoi said...

JUGS!!! ASTEEEEG!!!

di naman magkakaroon ng ganyang review kung di maganda yung ginawa ninyo e.

salamat sa comment!!!

tabachoi said...

Update: galing sa Itchyworms mailing list
PRODUCTION NUMBER SEGMENTS
1. Chorus
2. Rodel Jukebox Rodrigo
3. Pretty Boys (Wacky, Cholo, and Paeng)
4. Rodel Jukebox Rodrigo w/ Pretty Boys
5. Chorus
6. Bugoy Del Bugoy and Hamster
7. Bembang Bebots w/ The Gym Boys
8. Chorus
9. Ramir Ramirez Jr.
10. Tony Rey Arcache w/ the cast of Akin Ka Na Lang
11. Lolita Morales
12. Fuji Nakamura and Yumi Nakayama
13. Salvo
14. Jackie Mari Chan
15. Edna Amante
16. Inyaki Ferriols
17. Poseidon Posadas
18. Phantom Padilla
19. Smashing Bautista
20. Chorus
21. Dr. Groove, Ninong Funk, and the Showband Band
22. Chorus
23. Final Song Number

bkt c tasyo p rin :) said...

hi tabachoi!
dahil sa review na toh, bibili na q ng album ng Itchyworms! he-he..

jose paulo said...

Magaling pare, magaling. Sobrang galing. Di halata na fan ka talaga ng Itchyworms. Marami na tau! Apir! Kaya move away Bamboo fans! hehe. Like --peso-- i wanted to write a review of NTS pero di ko kaya, baka magkamali ako. hehe. I suggest you guys should grab a copy of the album. Bihira lang atang musicians ang may guts na gumawa ng isang concept album. Eheads lang ata ang alam ko. Mejo natagalan nga ang Itchyworms to release this album kasi mahirap gawin to. After their "Little Monsters Under Your Bed" LP (which was the best din sakin) and the Worms...Moon thingy EP (may CD din ako nito! hehe), tinodo na nila dito. Sana di to kantahin ng mga jologs. Salamat po.