Tuesday, January 03, 2006

Pogi Rock

Hindi na sya sekreto. Gamit na gamit na yung term sa iba't-ibang blog. Narinig na natin kay KC Montero sa MTV Pilipinas 2005 nung inintroduce nya yung Cueshe tsaka Hale. Ang bagong genre sa pinoy music... POGI ROCK.

Saan at paano nagsimula ang genre na ito?

Siguro dahil sa hilig ng tao ng fusion, napapaghalo nya ang mga hindi nagkakasundong styles para makagawa ng isang common ground sa mga nag-aaway.

For example, noong mga 1992 to early 1997 (ang "Rock of the World" era ng LA 105.1), ganap na ganap yung metal vs hip-hop wars. Naaalala ko pa nung iniintroduce nina Ely Buendia (Eraserheads) at Dong Abay (Yano) yung kanta ng Introvoys nung nag-guest DJ sila sa LA. Parang ganito yung sabi ni Ely: "at ang next song po natin, galing sa isang .. ah.. hip-hop band, Line To Heaven by the Introvoys" (sarcastic applause sa background). Wala kang maririnig sa mga DJ ng LA105 kundi "Kill The Hip-hop". Naka-attend pa ako ng isang underground concert noon, may mga nakita akong punkista na ang tawag sa grupo nila ay HUKBALAHOP (Hukbong Bayan Laban sa Hip-hop). At malaking proof ng giyerang ito ang Punk Zappa character sa second album ng Eraserheads. To quote Punk Zappa:
"...tapos, pag Linggo, pupunta kaming lahat sa Megamall. Tapos, aabangan namin yang mga hiphop na yan. Tapos, pag-uumpugin ko yang mga tinginingining breakdancer at mga yo na yan. Tapos, bubugbugin namin sila. Tapos, kukunin namin yung mga D.M.s nila..."

Not long after, noong 1997, sunud-sunod lumabas ang mga bandang Limp Bizkit, Korn, at Incubus na may flavor ng hip-hop sa kanilang pagka-"metal". Dagdag pa dito ang Family Values Tour noon na bukod sa mga rock bands ay nagfi-feature din ng hip-hop at techno artists. Nilamon agad ito ng mga tao na dating galit sa hip-hop at nakisabay na rin sa "yo yo yo" at "wassup ma nigga" habang nakikiheadbang. Ang final nail to the coffin ng hip-hop vs metal wars ay ang 1998 hit single ni Puff Daddy na Come With Me na nag-feature kay Jimmy Page (Led Zeppelin) na nagsasample ng song na Kashmir.

E shempre sikat na ang fusion ng hip-hop at metal. Kelangan na ng mga Pinoy counterparts ng Limp at Korn. Ayan at naglabasan na ang Greyhoundz, Cheese (Quezo), at ang patok na patok na Slapshock.

Ok, ok, anong connection nito sa Pogi Rock?

Noong 1997 din, kung matatandaan ninyo, sumikat ang Spice Girls at Hanson sa U.S. Nung 1998 tuluyan nang sumikat ang Backstreet Boys, NSync, Boyzone, at Westlife. Matapos ang ilang years ng paghihirap ng mga tao upang ilibing sa limot ang Menudo at ang New Kids On The Block, sumulpot ulit ang mga BOY BANDS.

Ang boy band ay grupo ng apat hanggang anim na lalaki (5 ang magic number) na kumakanta ng mga Hiphop-R&B-pop melodies. Pinipilit pa nga nila na huwag "boy band" ang itawag sa kanila kundi "vocal group". Yeah right. Minsan maiisip mo na lipsynching lang talaga ang ginagawa ng mga grupong ito pero wala na silang pakialam dun kasi hindi yun ang mahalaga para sa commercial success ng isang boy band. Ika nga sa Wikipedia,


"Equally important to the group's commercial success is the group's image, carefully controlled by managing all aspects of the group's dress, promotional materials (which are supplied to teen magazines), and music videos, the most famous boy band manager being Lou Pearlman. Typically, each member of the group will have some distinguishing feature and be portrayed as having a particular personality stereotype, such as "the baby," "the bad boy," "the nice boy." Whilst managing the portrayal of popular musicians is as old as popular music, the particular pigeonholing of boy band members is a defining characteristic of boy and girl bands." (http://en.wikipedia.org/wiki/Boy_band)
Siguro ngayon tapos na kayong mag-"aaaaahhhh oo nga no". Ang pogi rock ay ang fusion ng Rock at ng Boy Band. Hindi necessary ang talent, hindi necessary na maganda ang nilalaman ng kanta mo. Ang importante e mabenta ang itsura mo sa mga babae. Ang mga major characteristics ng Pogi Rock band ay ito:
  • may vocalist na may "angelic" face para ma-complement ang rugged na dating ng distorted guitars,
  • may love song na carrier single, at
  • 80% ng population ng mga live gigs ay mga babae at bading. Yung 10% e mga fans na lalaki, yung 8% e yung mga boypren na pinilit sumama sa gig at yung natitirang 2% ay tropa ng mga nag-front act na banda.
Is Pogi Rock a derivative of Glam Rock? Medyo. Kasi ang glam nakafocus din sa looks ng band (pero noon dapat mukhang babae lahat ng members), accompanied ng kakaiba at nakakasilaw na mga costumes. Siguro ang pinagkaiba ng Pogi Rock sa Glam Rock, open ang gayness at bisexuality (hehehe).Ang mga sumikat na glam acts ay sina David Bowie, Alice Cooper, and Queen.
Masama ba ang Pogi Rock bands sa Pinoy music industry?
Kung tatanungin mo ako, necessary evil. Nasa maximum tolerance mode ako pagdating sa Pogi Rock. Kasi, I would rather listen to Pogi Rock than listen to an "acoustic" (sabi dun sa Pinoy Rock mailing list, there is no such genre as "acoustic") recycling of an 80's or 90's hit. Kahit pakyut ang mga bandang ito, sila ang sumulat ng mga kanta nila. And these Pogi Rock bands are doing good in the local "hit charts". Last time I watched the MYX Daily Top 10, Pinoy rock bands ang naglalaban sa top 3. Yung mga mainstay ng chart na Backstreet Boys at Westlife, nasa lower 3. The rest, either "acoustic" o yung mga singers na nananalo sa Search for the Next Singing Dancing Acting & Tumbling Sensation Contest ng mga TV station.
Bukod pa dito, nagkalat na ang mga stalls na nagtitinda ng musical instruments sa malls. Maraming bumili ng gitara nung Christmas 2005. Tuwing dadaan ako dun sa isang high school sa amin, dati-rati laging may nagpa-practice ng sayaw ala-Universal Motion. Ngayon, mga kumpul-kumpol na studyante na may dalawang gitara at nagja-jamming na.

Pero ang pinakamagandang perk para sa kin ng pag-emerge ng mga pogi rock bands ay ang malinaw na demarcation line sa mga banda kung "for the love" or "for the money" ang ginagawa nila. Merong mga banda na talagang malalaman mong mahal na mahal nila ang kanilang craft at mahal nila ang Pinoy rock scene, pero habang nangyayari ito e kumikita sila ng malaking pera. Ngayon, madali mo nang madi-distinguish ang mga bandang mabubuo lang kasi gusto ng manager nila ang limpak-limpak na salapi at wala na silang pakialam kung saan pumunta ang scene.
My final take on the Pogi Rock scene? I-download mo muna yung mga mp3 nga kanta nila. Kung magagalingan ka sa tugtog nila, bilhin mo yung album. Pag lalaki ka tapos manonood ka ng gig nila, gawin mong babe-hunting festival. Make the most out of them kasi konting panahon na lang at mawawala na ulit ang Pinoy rock sa mainstream at mapupunta sa kung ano mang isalaksak sa lalamunan natin ng MTV at MYX.

23 comments:

Jeffrey Seguerra said...

ganda ng pakakasulat pre... kaka-entertain... cguro we should look more sa talent ng mga banda at hindi dahil pogi mga members... kung ganun lang din eh mas pogi pa si Basti Artadi sa mga yun. =)

peace.

wulfbane said...

"NAGSUSULAT NG SARILING KANTA"
and yes i agree with CHILL's comment. respeto kapatid. respeto. \m/ nakakatuwa ang pagkakasulat. astig. naipaliwanag ang mga bagay-bagay. ang talento't pagmamahal sa musika ay hindi isang bagay lang na maaaring ibalewala. hindi rin ito talagang nakukuha sa papogi-an. mabuhay ang musikang pinoy nang kahit anong genre ng musika (rock man o hiphop... o halo). mabuhay ang musika!

Via said...

fu-hu-nee..galing! Tuwa naman ako sa sinulat mo. Nakakatuwa kasi may katotohanan. (sobrang natawa ako nung diniscribe mo yung audience in their concerts..its SOOO TRUE!)

At tama ka sa sinabi mong dapat rin natin bigyan ng credit ang mga bandang nasasakop ng "POGI ROCK". Some of them can write decent songs.. so why not let them play, diba? (gawd.. napapakanta pa nga ako sa mga kanta ng iba dyan e) And we can't really blame some of their members who just happen to be born with "the look". As long as they can create music, they're a-okay with me.

tabachoi said...

maraming salamat sa mga comments!

mapet said...

anong salamat?! libre mo kami sa Saguijo gig. hehehe. ayus! sana lagi kang pumetiks! hehehe.

~*lilacstardust*~ said...

hey this was a pretty good read! :) it's such a shame that "pogi rock" has become more of a derogatory term more than anything when "pogi rock" could just simply mean that the band kicks ass and that they just happen to be hot (think: dicta license. every member of that band is good looking in different ways but hey, they rock, man!). hehe! oh by the way, i remember writing something pogi rock-related way back last year. you may want to check it out;-)

http://lilacstardust.blogspot.com/2005/07/good-looking-music.html#comments

Inigo said...

Naalala ko tuloy dati, naglalabanan ang Cats in the Cradle ng Ugly Kid Joe at Bed of Roses ni Bon Jovi sa number one ng LS Top 20 at 12. Grade 6 ata ako nun.

Nagulat ako nung isang araw, pinatugtog ang Kjwan sa LS. Kakaiba, lalo na na nasanay ako sa LA at NU lang ang rock.

Ampogi na talaga maging rockstar. Pero darating ang araw na magiging filthy uli ang image ng rock. Excited na akong dumating ang araw na yun.

- d a c s - said...

Ayun, tama si Aids.

So siguro dapat ang tawag dito ay PAPOGI rock at di lang POGI rock. Hehehe.

tabachoi said...

aids as in stompboxer? of the parpolchekens? nagbasa ng blog ko?ayos!

dacs as in mightydacs98? huwaw! astig!

tinitigasan na ko sa tuwa. BWAHAHAHAHA.

tabachoi said...

napanood ko sa S.O.P. kahapon yung Sugarfree. nagpapa-cute na si ebe. medyo nailuwa ko yung kinakain ko nun. hahaha =D

jenn aquino said...

nice one... link kita!!!

siopao said...

yea! i totally agree on everything you've said. ay este, typed pala. haha. people who are narrow-minded should read this entry so they can corecctly define what pogi rock means.

Paco Arespacochaga said...

Pogi Rock!

galing ng pagkasulat mo bro!

nakakatawa kasi minsan, kapag nanonood ako ng mga bagong banda sa tv, natatawa ako sa iba sa kanila hindi dahil pogi sila kundi yun ang ginagamit nilang puhunan para mapansin ang talent nila.

di na ko magbabanggit kung sino itong mga "feeling" pogi na ito dahil alam nyo naman.

sinong nag sasabing di pogi sina Ely, Bamboo, Ira, Nathan, Vic M, Barbie Almalbis, Kitchie N, Paco A (hahaha!), Ernie Severino, Basti Atardi, Rico B, Mark E at sino itong singer ng Sponge Cola na sanpit ata ni Donna Cruz? Anyway, itong mga nabanggit kong mga artist didn't use their "looks" to cover up for the success of their music. Nagkataon lang na.. may itsura.

Parang inter barangay basketball league yan eh. May mga players na magagaling at nagkakataon pogi! May mga players naman na nauuna ang pagpapa cute bago mag shoot! nakaka inis yun!

pati mga artistang bago sa telebisyon... yung iba, magagaling umarte at di na nagpapa cute kasi kasama na sa package. yung iba naman... cute lang kaya dapat ng ilagay sa package at iligaw sa Borneo or Saba!

Dapat bang i classify as Pogi Rock ang Maroon5 kesehadong pogi sila? O ang Coldplay, pogi rock din ba?

Basta, kung ang artist ay magaling... tangna! ano ngayon kung pogi sya!?!

dami ko na naman nasabi! Kailangan na gumawa ng sarili kong blog!

nga pala... pakinggan nyo ang mga bagong awitin ng aking "pogi rock" group... introvoys! go to www.introvoys.net!

speaking of which... pag si jonathan buencamino eh nagpapa cute... sinasabihan namin sya. ang pangit kasi tignan eh. hahahaha!!!!

the_fallen said...

hi po. member ako ng eheads yahoo group at nkita ko lng po ito... astig ng pgkakasulat...kakaaliw...hehehe...

Walpurgisnacht said...

The things is: I really think POGI ROCK is leading, maybe even DELUDING the Pinoy Rock scene into distortion and its downfall, you said it yourself: Its somewhat of a fusion ng Boy Bands and Rock...wth!? Boy bands and Rock Bands are two different entities man and they just cannot be fused together... and when that shit happens, we come up with: CUESHE, HALE, SHIT like those... man in MY OWN OPINION they SUCK. Stupid Kindergarten guitar riffs (what they nused to call as "Tugtugang bukid" back in the mid 90's), no guitar solos, they have vocalists who can't sing as REAL rockstars do (they MAY have the voice of a grunge band (which I will GRANT them) but then again THEY'RE NOT GRUNGE BANDS!)... bottomline is "Pogi Rock", as you call it, is NOT ROCK AT ALL... they are just bands who sing Love songs for chicks... it doesn't necessarily mean that if you're in a band then you're in a rock band... I wonder what happened to the REAL filipino rock bands like Bite the Bullet, Re-Animator, Phil. Vio., Death-by-Stereo, DahongPalay(well they still play but you know...), Anibughaw, Gnash, you know...LA 105.9 and Club Dredd Bands... If you ask me, those were the BEST days of Filipino Rock, sure, these guys didn't score alotta chicks and bagged alotta money but the GOOD thing about it is: they played for the Love of ROCK, not just music, but ROCK, this pogi bands nowadays kasi you have to wonder if they even know their forefathers and those who established the filipino rock scene (i strongly doubt that cueshe members hardly even know a Dahongpalay single, if they did they probably did it for "REVIEW"... catch my drift?)...
and i know you're telling me "RESPETO PARE RERSPETO"
RESPETO my ass! As I have told you these "POGI ROCK" bands are deluding the rock scene, how could I respect someone who's gonna lead my favored genre to its downfall? I'd even bash these bands' vocalists' heads on a wall for all i care... another thing is: the things about SOME fans today are they're all about the hype...you know bandwagon stuff...that's just poor... i hate it... tells you where the music scene is heading

El Capitan said...

Well... these entities exist to feed off our society's youth-worshipping impulses. Give it a few years and they'll get tired of it. Then we'll have some other sort of crap again.

As for me, I'll be playing and practicing in my room. With enough savings I'll be able to get that damn cardioid mike and something to interface my cousin's old Yamaha keyboard to the PC.... one day... one day......

Anonymous said...

aus ung article hehe...well, totoong nataon lang na may itsura yung mga so-called "pogi rock" bands...sumikat sila kasi may perang nilaan yung label nila na gawan cla ng music videos...at pinasikat ng mga music channels yun kasi may itsura nga ung ilan sa mga band members para dumami yung manonood...yung mga record labels naman kahit mediocre ang songwriting, commerciality ang habol para kumita ng maraming pera...kaya parang similar din ng nangyari sa pagkasikat ng mga BOY BANDS ang nangyayari sa mga "pogi rock" bands...

btw, kung ikaw ay totoong music lover, sino ang mas papakinggan mo: giniling festival or cueshe? sa former na ako no...ang kulet ng lyrics eh...nanakawan pala yung vocalist nila ng gitara kaya nasulat ung Holdap...haha

Unknown said...

how about side a? pogi rock din ba sila? kasi tinitilian ng mga chicks dahil sa music at face nila?

Unknown said...

Dagdag ko lang sa definition:

Inuuna nung bokalista pagpapapogi kesa ayusin kanya nya pag live gig. Sobrang sablay na ng vocals, ayos lang basta wag magulo buhok at di mawala focus sa pag-project.


Nakapanood ako ng Callalily live e. Iiwasan ko na talaga yung gig pag kasama yung bandang yun sa lineup.

graydog said...

agree ako sa'yo pare/mare except dun sa glam rock. paul gilbert, sheehan, axl rose, tommy shaw, slash, ted nugent, van halen were more than just costumes, long hairs and stage gimmickry. they were talents, music's gift to music lovers. they influenced a lot of future musicians worldwide. isa pa pala to mr. ely buendia line to heaven is as gay para sa masa.

Unknown said...

Mahusay. May alam sa popular na kultura ang awtor. Masasabing obhetibo ang pag-analisa sa pogi rock.

Jerboy said...

Hindi ko na sinusundan ang Pinoy rock music scene, pero naaalala ko yung isang kanta ng Hale. Hindi ko makuha kung ano ang hook nung kantang iyon at hindi ko maintindihan kung bakit sila sumikat dati. Yun pala 'yun, dahil pogi rock. Noong dati ang derogatory term naman namin sa ibang banda e Tisoy Rock o Cono Rock.
Naaalala ko yung punk vs hip-hop shenanigans noon. Nung mga panahong iyon kasi e tinutuklas ko ang mga rap acts, kahit na rock ang hilig ko.
Isang magandang pagkakasulat ito na nagbalik sa akin sa panahon ng LA 105.

Jerboy said...

Hindi ko na sinusundan ang Pinoy rock music scene, pero naaalala ko yung isang kanta ng Hale. Hindi ko makuha kung ano ang hook nung kantang iyon at hindi ko maintindihan kung bakit sila sumikat dati. Yun pala 'yun, dahil pogi rock. Noong dati ang derogatory term naman namin sa ibang banda e Tisoy Rock o Cono Rock.
Naaalala ko yung punk vs hip-hop shenanigans noon. Nung mga panahong iyon kasi e tinutuklas ko ang mga rap acts, kahit na rock ang hilig ko.
Isang magandang pagkakasulat ito na nagbalik sa akin sa panahon ng LA 105.