Sugarfree Live! with the Manila Symphony Orchestra
Posted by tabachoi | | Posted On Monday, September 01, 2008 at 7:52 PM
Gamitin natin tong analogy na to: Sugarfree ang matipuno at mala-Richard Gomez na tatay, Manila Symphony Orchestra ang mala-Lucy Torres na mestizang nanay. Mahilig silang dalawa, kaya nagkaroon ng 19 children. At kailangan nilang lahat magkasya sa isang bahay.
Hindi mo mae-expect na lahat ng 19 children na yon eh mga gwapo at magaganda. May mga kantang magsa-stand out, na sa unang dinig mo pa lang, alam mo nang yun na yung paboritong kanta mo. May mga ugly duckling, na sa unang dinig, di mo mapapansin, pero eventually, mao-overtake na nya ang mga favorite songs mo sa album as Most Played. At baka meron ding tanggalin mo na sa playlist mo at balikan mo na lang sometime in the future.
Mula nung binigay sa kin yung CD hanggang sa pagsulat nito, nasa 5 times na yung play count for each song. So far, anong masasabi ko?
What worked:
May mga kantang pansin mo yung effort para talbugan or higitan ang original version. Yung band, nag-stick sa original lyrics, tono, at tempo, tapos na-showcase yung effect ng orchestra sa mga kanta nila. Na-amplify ng strings yung emotion ng masyado nang emotional na mga kanta nila, kaya natulala na ako sa mga version dito ng "Kwarto", "Wag Ka Nang Umiyak", at "Makita Kang Muli".
May mga kantang up-tempo naman na magaling yung halo ng tunog ng dalawang magkaibang mundo. Sa "Hari Ng Sablay", "Telepono", tsaka "Kailan Pa Ba", alam mong kumapal yung tunog ng kanta at nadagdagan pa ng character. Napakahusay ng "Burnout".
Mapapa-click ka sa "Controls -> Repeat One" ng iTunes dahil sa Ebe and Jal live duet sa "Batang-bata Ka Pa". Yung level ng blending ng mga boses nila dito, bihirang makukuha sa live performances ng kahit sino sa mga top bands ngayon. Huling narinig ko na ganito ka-effective sa blending eh si Bamboo at si Rico Blanco nung Rivermaya pa sila.
Pero yung nagpabilib sa kin talaga sa album na ito eh yung "Mariposa". Orgasmic tong version dito. Yung halos acapella performance ni Ebe tapos bibiglain ka ng fusion ng Sugarfree at Manila Symphony Orchestra. Parang effect ng "Bohemian Rhapsody" ng Queen.
What didn't work:
I know it's Ebe's style to establish good rapport with the audience, pero in this album, mapapansin na nasosobrahan minsan si Ebe sa pag-solicit ng crowd reaction to the point na nawala yung essence ng kanta and nasayang yung presence ng orchestra.
Case in point, yung "Dear Kuya". I love this song, pero dun sa performance nila, nagpa-cute si Ebe sa crowd:
Dear Kuya, kamusta ka na dyan? Anong balita?
Is it cold ba dyan? Dito it's init
Ngunit kung bumagyo, para bang lahat ng tubig sa mundo
Nasa party ng Sugarfree babyyyyyyyyy
Ayun. Cool siguro sya nung mismong concert, pero considering na nirerecord to at maririnig pa rin 5,000,000 years from now, I wouldn't think cool pa rin sya sa pandinig by that time.
Sayang din yung sa "Tulog Na," kasi sobrang astig nung guitar solo and perfect na sana yung transition to the strings section, nagkaroon lang ng unnecessary remarks si Ebe para lang pumalakpak and tumawa yung crowd. Sayang naman yung emotional buildup.
Ano ba, bibilhin ko ba to o magda-download na lang ako ng pirated?
1) Dalawang CD,
2) Lahat ng magagandang kanta ng Sugarfree (wala lang yung Los Banos hehe),
3) Kasama ang Manila Symphony Orchestra
Para sa mga newbies, this is definitely a great introduction to Sugarfree's music. Sa mga Sugarfree fans, wala kang kwentang tao kung wala kang original CD nito. Sa mga casual listeners, pag meron ka ng CD na to sa collection mo, parang sinasabi mo na "I dig Filipino rock AND classical music at the same time. That's what you call taste, chong dude pare."

waaa, san po kayo nakabili nito? :(
binigay lang po sa kin nung bassist nila. pero meron po raw available sa Dencio's po.
I have all the 3 albums of Sugarfree. For some reason, nagkukunat ako at gustong idownload na lang tong album. But after reading your post, may kwenta akong tao, hence, bibili ako ng CD bukas na bukas din. :)
is it the Mitch Singson old-original drummer?
ang lupit ng palo....parang bumalik lang sya....