Thursday, June 28, 2007

The Orange And Lemons Breakup?

Nagulat ako sa balita kanina sa TV Patrol. Press conference ng Orange and Lemons para sa Moonlane Gardens album nila. Tapos ang sabi ng nagrereport eh TATLO na lang daw sila. Inisip ko, isa sa magkapatid, either si JM the bassist o si Ace the drummer. Pero pag tiningnan mo yung nasa table, wala si Clem. Nag-flash sa utak ko ang message na "O shit. Wag si Clem."

Si Clem nga. Hindi nag-quit. TINANGGAL sa banda.

Hindi na daw nagpapakita sa mga gig, laging late sa appearances, or something to that effect. Yun ang reason kung bakit tinanggal nila si Clem, ang "McCartney" ng grupo (si Mcoy yung "Lennon", tingnan nyo yung pic sa baba)

Teka di pa natatapos dun. Dun sa report, after daw an hour or two ng press conference, dumating si Clem. Makikita mo yung video clip, si Clem may hawak na mobile phone at nagbi-BF (BF as in Bitch Fit). "HINDI NILA AKO PINAPAPASOK!" ang maririnig mong sinasabi nya. Kausap nya yung reporter, nagbi-BF pa rin. Hindi daw pwedeng gawin sa kanya yon. 50% ng material ng Orange and Lemons, intellectual property nya.

Legit ba ang gulong ito? O opening move ng isang elaborate publicity stunt para sa bago nilang album?


Ang hilig talaga ng mga Pinoy sa Beatles references. Eraserheads parang Beatles. Rivermaya parang Beatles. Itchyworms parang Beatles. Orange and Lemons parang Beatles. Sa taas yung promo pic para sa "Katulad Mong Walang Katulad". Sa baba yung album cover ng "Let It Be", ang huling album na ni-release ng Beatles bago sila tuluyang maghiwa-hiwalay ng landas. Hmmmm...


2 comments:

bisita said...

oo nga nagulat din ako nung napanood ko yon, bad trip.

Anonymous said...

ang comment ko ay para sa lahat ng mga nasulat mo na. nakakatuwa at nakakaaliw basahin ng mga posts mo na para bang kahit akala ko hindi ako makakarelate sa sinulat mo aliw na aliw pa rin akong basahin sha. ano kaya kung magsulat ka ng book? para ka kasing si bob ong? idol mo ba sha? kilala mo ba sha? just asking... ;)