Sunday, October 15, 2006

The Dawn - Tulad Ng Dati

Hindi na dapat ako gumagawa ng mga album review kasi mas magaling magreview sina Dodobird, Kristine and Luis kesa sa kin. Pero dahil may nabili akong CD ngayong weekend na astig, gagawa ako ng album review.

Lahat ng mga batang 80s na lumaki sa Batibot, dirty ice cream, shato, tumbang preso, Grosby shoes, Voltes V, Inday Badiday, at That's Entertainment, imposibleng hindi kasama sa mga naging impluwensya ang bandang The Dawn. Kung tama ang pagkaka-alala ko, Grade 3 ako nung binalita ni Kuya Germs sa GMA Supershow yung pagkamatay nung gitarista nila, si Teddy Diaz. Tapos nung nilabas nila yung "Salamat", naintindihan kong sinulat nila talaga yon para kay Teddy. Kaya kahit di ko sila kilala, naka-relate ako sa kanta. Nung graduation ko ng Grade 6 tsaka 4th year high school, kanta namin ng mga kabarkada ko sa school yung "Salamat". Ganun kalaki ang impluwensya ng the Dawn sa generation namin. Kanta nila ang anthem ng pagkakaibigan namin.

Fast-forward to 2006, bibili dapat ako ng orig CD ng Panic! At The Disco, inuna ko munang dumaan sa OPM department ng record bar. Nakita ko yung bagong CD ng The Dawn. 350 pesos lang, tapos dalawang CD. Yung unang CD, familiar titles, plus may ilang bago. Yung 2nd CD, VCD tapos may dalawang audio tracks. So inisip ko na parang compilation lang ng mga kanta nila, tapos Remixed, Remastered, Repackaged.

Pag-uwi ko, pinapakinggan ko na yung 1st CD, napa-"Holy Shit!" ako.

BAGONG VERSIONS!!! CURRENT LINEUP!!! OMG!!!

Para akong nabuhusan ng malamig na tubig nung pinatugtog ko na yung "Love Will Set Us Free". Dun ko kasi napansin na parang iba yung version. Pagkatapos kong lakasan yung speakers, sinabayan ko na yung mga kanta, screaming at the top of my lungs. Ahhhh, nostalgia.

Imagine mo yung feeling na ganito: isang araw na naglalakad ka sa kung saan man, makakasalubong mo yung ex-girlfriend na sobrang minahal mo. Parang gumanda sya lalo kasi nag-mature yung beauty nya. Niyaya mo syang magkape para mag-catch up sa mga bagay-bagay. Kaso, hindi mo malaman kung ano ang sasabihin mo sa kanya kasi sobrang manghang-mangha ka sa ganda nya ngayon. Ganon yung feeling ng pagdinig ko sa mga kanta ng album na to.

Yung 1st CD, 18 tracks, 1 hour, 13 minutes, and 55 seconds total. 350 pesos divided by 73.92 minutes = almost 4.75 pesos per minute. Mas mura pa sa isang minuto ng tawag sa cellphone. Akala mo sulit na, may 2nd CD pa.

Yung unang video sa 2nd CD, ang title e "Movie Trailer". Self-explanatory na siguro to. Trailer sya ng movie (starring The Dawn's current lineup, Agot Isidro, Mylene Dizon, etc). Ang gist ng movie, parang nagka-amnesia si Jett Pangan, tapos akala nya 1988 pa rin. Panalo yung scene ni Jett tsaka ni Francis Brew (Jett:"Why can't you play like Teddy used to?" Francis Brew: "HINDI.. AKO.. SI TEDDY!"). Curious ako kung saan ipapalabas tong movie na to, at siguradong manonood ako.

2nd video sa CD, well actually audio sya (correction. di lang pala updated ang media player ko. video nga sya), guitar solo ni Teddy Diaz. Hindi sya comparable sa mga guitar solo ng mga iniidolo nyong gitarista, pero tingin ko nilagay to kasi may sentimental value. Nakasulat din sa inlay card yung "But most of all, to Teddy Diaz, without whom none of us would be here".

Yung mga sumunod na video, music videos na ng "Iisang Bangka", "Harapin ang Liwanag", "Tulad Ng Dati", "Change Is Breaking Us Apart", at "Laging Narito".

Kung hindi ka pa nasusulitan sa mga freebies ng Disc 2, may dalawa pang bonus tracks na acoustic versions ng "Abot Kamay" tsaka "Salamat". Grabe yung "Salamat". Kulang na lang umiyak si Jett Pangan. Eto nga mga pitong beses ko na inuulit yung kanta e.

So pano ko ire-rate yung "Tulad Ng Dati"?

Sa CD shelf ko kasi sa bahay, naka-arrange ang mga CDs according to the following:
  • Pirated
  • Aksaya ng Pera
  • For Archiving Purposes Only
  • Ayos
  • Sobrang Ayos, Dapat Gasgasin


  • Yung "Tulad Ng Dati", ginawan ko ng bagong category:
  • TANGINA. ASTIG. BUMILI PA NG LIMANG KOPYA AT IPAMANA SA MGA ANAK AT APO.
  • 4 comments:

    miranila said...

    great review. Kaaliw basahin. Join ka sa mailing list ng The Dawn. just send a blank email to thedawnlist-subscribe@yahoogroups.com

    Hopefully, the movie gets to be shown in mainstream cinemas before the year ends :)

    Cheers,
    Earnest

    Nicole's Mama said...

    wonderful review, and i agree wholeheartedly. wala akong masabi when i heard the CD for the first time. may i pick my jaw up off the floor now? hayop, galing nila, at gumagaling pa.

    noriel said...

    Hanep tlaga ang the dawn! bumili din ako ng album last month pa pagkatanong ko sa sales clerk ng odyssey kung may bago ng album ang the dawn kinuha agad at pagkaabot sa akin halos lumipad ako pauwi para mapakinggan! sulit talga kaya kayo jan bumili na kayo,di kayo magsisisi! th dawn rocks!

    icko said...

    i saw the movie here in the hawaii international film fest. it is really good ,movie and it is sad...the movie even if it is fictional the story of jett pangan seem so real. hehehe francis brew is so funny in the movie. check it out if it comes out in the dvd >_<