Los Baños, Laguna.
Sumulat na ako dati sa Peyups.com tungkol sa UPLB at medyo kumalat na rin to sa email galing sa isa ko pang blog. After two years nung sinulat ko yung article na yon, marami nang nangyari sa kin. Medyo naibaon ko na sa limot ang Elbi. Umabot na ako sa point na nasabi kong "I've moved on to more complicated things," na sinasabi ng mga nanggagaling sa Elbi pag tinatanong mo kung bat di na sila bumabalik.
Pero sa dinami-dami ng panahon na pagtitripan ako ng tadhana, e ngayon pang nag-iisa ako sa opisina at walang option kundi maghintay lumampas ang bagyo. Pagkatapos kong kumanta na halos mapiyok sa paggaya ng boses ni Ebe sa "Los Baños" (wala namang makakarinig sa kin dito kaya ayos lang kumanta), sumunod yung Elbi Nights ng Hemp Republic. Mababaw ang lyrics at mukang pilit ang pagkagawa ng Elbi Nights, pero what the heck, tungkol sa Elbi e.
Di ko alam kung may nasulat na ang Session Road tungkol sa Baguio, o yung Freestyle tungkol sa Davao, or Sheila and the Insects tungkol sa Cebu (kala nyo Cueshe, ano? hehe. NO.. FRICKIN...WAY). Kung si Sampaguita nga, may kantang "Laguna" e. Baka mamaya napadaan sya sa Los Banos kaya nya nasulat yung kantang yun.
Anong nga bang meron ang Los Baños at talagang may effort pang gawan ito ng kanta at isama sa debut album?
Pansinin nyo yung lyrics ng Hemp Republic tsaka Sugarfree (nasa baba). Sa Hemp Republic, merong mga linyang
- "sayang walang humpay"
- "lalakad lang ayos na"
- "absent lagi pumapasa pa rin"
- "pag sembreak na, party lahat"
- "take me back to my home"
- "away from here"
- "back to where I am free"
- "kalayaan sa ating lahat"
Kung may salitang magdedescribe ng buhay Elbi, ito ay "FREEDOM".
Malamang hindi maalis sa isip ng mga sumulat ng mga kantang ito ang freedom na dala ng buhay Elbi. Sa bansang ito na wala kang ibang makikita sa paligid kundi oppression, repression, supression, at kung anu-ano pang presyon, heaven ang Elbi experience. The air is always fresh, the grass is always green, the water is always warm, the booze is always overflowing, and the sex is always great. What's not to love?
Ang mga kantang ito tungkol sa Elbi ay tumatagos sa akin na parang isang photograph na napakasarap tingnan at balikan ang mga alaala noong kinuha ito. Hindi mawawala ang Los Baños sa puso ko dahil ito ang nagrerepresent ng aking care-free days. Ang lugar kung saan nakilala ko ang mga kino-consider ko ngayong lifetime friends (*hikbi*). Dito, marami akong natutunang mga bagay na hindi kayang ituro sa school. Dito ko nalaman na hindi lang missionary ang position. Dito ko nalaman na pwede kang magpakain ng isang latang sardinas at isang plastic ng misua para sa higit sa sampung tao. Dito ako natutong umibig. Dito ako natutong tumayo sa sariling paa.
Bukas, pag-uwi ko, pagkalipas ng bagyong ito, bibili ako ng Lucky Me Pancit Canton, itlog, Skyflakes at Coke 500. Staple food ng mga estudyanteng mas uunahin pa ang gimik kesa pagkain. Ito ang kakainin kong lunch bilang pagpugay sa buhay Elbi.
I miss Elbi!
###############################
Eto yung lyrics at may link sa mp3s para sa mga gustong makarinig at makikanta sa mga kantang ito
Hemp Republic - Elbi Nights (Click here to listen)
Laging alaala ang Elbi nights
Saya na walang humpay
Bayad sa jeepney pabago-bago
Estudyante laging nalilito
Lalakad lang ay ayos na
Mga gabi laging nasa labas
Nag-iinom sa tapat ng ICs baba
At nagkakape sa ICs taas
Wag ding kalimutan mga gabi
Nagliliparan sa campus
Mga tao lahat nagsasaya
Hindi ko malilimutan ang Elbi nights
Dito nabubuo ang lahat
Bagyo na merong pasok pa rin
Absent lagi pumapasa pa rin
Pag sembreak na party lahat
Naalala mo pa ba
Mga swimming nights sa Baker
Mga tugtugan sa dating Padi's
Sa Agrix at sa Heights
Mga tao'y masasaya at maliligalig
Mga Jammers lahat at nagkakantahan
Di mo malilimutan ang Elbi nights
Home ay Petrino's at Big Mac
Lechon kawali at Bug-ong
Footlong na pagka-sarap-sarap
Pagkain para sa lahat
Mga panahon na kasama ka
Di ko malilimutan
Kahit tayo'y napag-iwanan na ng tadhana
Ngayon tayo'y magkasama muli
Wala nang iwanan
Di kita pababayaan, oh, Elbi nights
Di ko malilimutan ang Elbi nights
It's so close to my heart (close to my heart)
Di kita iiwanan, lagi kitang babalikan
Mahal kita o Elbi nights
Magpakailanman...
Sugarfree - Los Baños (Click here to listen)
Take me back to my home'
To a place where i belong
Times have changed, so have i
Now i long to go back home
Cause i've seen a million faces,
I've been lost in many places
I've laughed and i've cried
I've lived and i've died
But it's always you i run home to
Take me back, take me home away from here back to where
I am free
When i'm tired of the noise
I go back to the age of toys
Where my grass is green
And my thoughts were once clean
Cause i've seen a million faces,
I've been lost in many places
I've laughed and i've cried
I've lived and i've died
But it's always you i run home to
Take me back, take me home away from here back to where
I am free
Kalayaan sa ating lahat...
16 comments:
waaaaaahhhh!!! nakaka-miss ang elbi!!! *hikbi*
hehe.. i agree.. nainspire ako nil, kaya gumawa rin ako ng sarili kong elbi story.. di nga lang kasing ganda ng article mo! ;)
totoo ba yan pare?
I gotta say this does hit you straight to the heart.
I surely miss the fun and carefree lifestyle. Away from stress (pwera na lng pag may Leithold exams na!)
And yes, ang kawalan ng excuse para uminom!
ELBI days were THE days indeed!
===
hey, do u mind if i add you in my list?
Nielsen! Sobrang proud ako sayo! Sobrang kumakalat na sa maraming tao yung blog mo. :)
Cool!
Hope to link up with you.
http://whatsuplb.blogspot.com
i was googling for "hemp republic elbi nights lyrics" and your blogsite came up. buti na lang kasi nabasa ko ang blog mo and i also followed the link to your peyups article (good one!). im also from LB (batch 92)kaya naka-relate ako sa mga sinabi mo.
i was googling for "hemp republic elbi nights lyrics" and your blogsite came up. buti na lang kasi nabasa ko ang blog mo and i also followed the link to your peyups article (good one!). im also from LB (batch 92) kaya naka-relate ako sa mga sinabi mo.
ahhh talaga? nagaral sa uplb ang kuya ko, 6 years ang kontrata nya sa course na bs agriculture...
peo 4 yrs lang course na yun.
i so love your article.. naghahanap lng aq ng lyrics ng lb nights and your blog came up..:) im currently studying at uplb and boi it's pretty much the same.. great food, great atmosphere, great friends and great parties.. :) mamimiss ko paniguradao ang lb since im graduating this coming 2008 (ontime pare!woOhoo!.. nice one!
hi... im from batch99 sa uplb =) ur blog came up when i was looking for lyrics ng elbi nights. i can never explain to people exactly why i keep on coming back to elbi, and i can never ever find the words to describe elbi to them so they'll understand. but whenever i see people from uplb as well magkakatinginan lang kame at tatawa tapos it feels like home back in the good old days again.. elbi *sigh* =)
*teary-eyed*
apat na taon ako sa elbi bilang estudyante ng RHS at nang ako ay mapatapon sa UPM, sadyang ako'y nalungkot sa pagkakawalay sa lugar na iyon.
walang kapalit ang elbi. "dito nabubuo ang lahat"
nakakamiss tlaga elbi...T.T paminsan-minsan na lang ako nakakapunta don.. :C
waaahhh!!!!!!!!!
sad.
i miss ELBI!!! nkakaiyak post mo tol!!!
awww. i almost cried reading your post. i miss elbi. :( good job!
Post a Comment