Friday, January 06, 2006

Uruk-Hai

Para sa karamihan, sila ang mga orcs sa army ni Saruman sa Middle Earth (sariling mundo ni J. R. R. Tolkien). Sa Lord Of The Rings trilogy, sila yung mga ginawa ni Saruman mula sa putikan sa ilalim ng Isengard. Sabi sa kin cross-breed daw sila ng orc tsaka goblin. Imagine mo na nagse-sex ang goblin at orc. Ewww. Hehe

Ang mga Uruk-hai, para sa kin, e yung mga madalas nating makita sa mga open field concert. Pag grupo sila, kadalasan may flag na may Twisted Red Cross tapos nakalagay kung anong part ng Metro Manila yung nire-represent nila. Eto ang description ng isang Uruk-hai:

1. Itim na t-shirt na may logo ng alin man sa sumusunod:

  • sikat na death metal o kaya kahit anong foreign rock band
  • mukha ni Bob Marley
  • logo ng "Pulp Summer Slam"

2. Pantalon:

  • army fatigue
  • punit na jeans
  • jeans na sobrang baston

3. Sapatos:

  • chuck taylor
  • combat boots

4. Buhok:

  • bleached ng agua occinada (hydrogen peroxide)
  • mohawk
  • kalbo
  • long hair na naka-dreadlocks

5. Smell

  • amoy bulok na kahoy
  • amoy kinulob na damit na pinagpawisan
  • amoy patay na daga

O ayan kilala nyo na sila? Oo sila nga yon. Sila yung mga nanghihipo ng mga babae sa concert. Sila yung mga nagsasaksakan pag nagkasikuhan sa mukha yung mga magkakaaway na "clan" habang nasa slam/mosh pit. Sila yung mga umiihi sa mga bote ng mineral water tapos ibabato sa audience na walang muwang. Sila yung mga taong nagpupunta lang sa concert para manggulo, hindi para makinig.

Hindi sa gusto kong ma-exterminate ang mga taong ito. Inaamin ko na dumaan din ako sa phase na ganito. Dati-rati pag may concert ang mga underground punk bands tulad ng The Wuds o kaya Philippine Violators, ayan nagtatawagan na kami ng pinsan ko (na pulis na ngayon) tsaka mga tropa nya. Ubos ang isang maliit na tube ng Splash Hair Gel sa buhok ko para tumayo. Tapos may eyeshadow pa ko. Suot ko yung fatigue ko sa ROTC, t-shirt na puti sa loob, tapos punit na jeans. Yung concert na pupuntahan namin, usually mga amps lang tsaka drums na naka-setup sa trailer ng truck.

Pero teka. Huwag nyo kami itulad sa mga Uruk-Hai na to. Punk ang fashion namin noon kasi punk ang pupuntahan namin na concert, at alam namin ang message ng mga bandang tutugtog. No Flag, No Race, No Rulers, No Country. Haay. Teenage angst. Mags-slam dance kami, oo magkakasakitan, pero konti lang ang gulo. Kadalasan mga naka-tatlong red horse yung mga nag-aaway.

Those were the days.

Ngayon, kahit saang may open-field concert, pupunta tong mga to. Same attire. Same odor. Hinding-hindi ko malilimutan yung Pulp Summer Slam 2005. Gusto kong manood kasi may P.O.T. daw. Last performance ever na nila. Hindi ko naman inexpect na magiging Grand Assembly of the Uruk-Hai tong concert na to e. Ayun. Buti na lang wala kami dun sa mismong field. Nasa bleachers kami, nanonood ng kanilang mga tribal rituals tulad ng sunugan, ihian, batuhan ng bote. Ay, may banda nga palang tumutugtog nun.

Anong point ko? Naiinis ako sa kanila. Hindi mo maeenjoy ang isang magandang concert dahil sa mga taong ito. Kahit gaano kaganda ang lineup ng mga banda, basta may presence ng mga Uruk-Hai, nasisira ang concert. Oo masayang tingnan kasi may mga nagsasayawan. Pero namaaaaaan chong dude pare tol (with conio accent), nagbayad ako ng ticket e. I have the right to enjoy the concert as much as these barbarians do. Gustuhin ko mang maki-slam sa kanila to relive to days of old, ayoko rin kasi baka mabato ako ng kung anong mapanghi. Ayoko ng ugali nila pag may concert.

Lalong ayoko naman kung magkaroon ng proper decorum pag concert.

17 comments:

mapet said...

first post! hehehe.

aaahh, the uruk-hai punks... badtrip nga sila. kaya minsan, mas gusto ko na mahal ung ticket sa event. kasi mas konti sila...

fingertapper1 said...

potangina! astig ka men! ang galing mo sumulat at the same time totoo kaya mas nakakatawa sapul eh... hehe...

parang gusto ko na gawin in filipino lahat ng entry ko hahahahaha!kaya lang naman english ung blog ko dahil para pag may nakabasang kano maintindihan haha! kaso pag ginawa kong pinoy baka maging gaya-gaya kosayo... tangna di ko tuloy lam gagawin.

hehe sige sulat lang ng sulat enjoy ako sa blog mo! puta alam ko na gagawa rin ako ng sarili kong pinoy rock blagabag! hehe!maraming salamat! isa kang insipirasyon!

dodo bird said...

hahahaha! =D Nice one.

Fan ako ng Lord of the Rings kaya tawang-tawa ako sa analogy mo. Agree na ako dun sa tao na nag-comment na pareho kayo ng writing style ni Bob Ong ("ABNKKBSNPLAK")!

Tungkol sa mga "Uruk-Hai", ok lang naman na maging rowdy sa concert - especially a rock concert - pero at least do everything in good, clean, hihg-adrenaline fun. Wag manghihipo, walang sakitan, walang bastusan. Just remember Aretha Franklin:

R-E-S-P-E-C-T.

ianuarius said...

hello mukhang magiging fan mo na yata ako anyway

noong fete dela musique (tama ba?)
remeber na stop yung performance sa rock stage dahil sa mga uruk-hai na yan hay naku at ang dami pang druggie kids halatang halata

sigh nasaan na ang pag-asa ng bayan

tabachoi said...

uy salamat sa mga comments. di ko talaga kilala si bob ong, pero sabi ng mga nakakabasa nung mga article ko sa peyups.com, pareho nga daw kami ng style sumulat. hanapin ko sya tas yayain ko ng inuman. mukang makakasundo ko yun e. hehe

aids said...

Funny...nuing nasa Fete kami two years ago (Eastwood) ng gf ko...naglalakad lang kami, taking pics. Nasa labas kami ng rock stage, kakatapos lang ng isang reltively unknown band. Maraming kids na nakaupo sa labas. Sige, cool. Biglang tumugtog Chicosci. All of a sudden all these kids ran across the road, jumping across ropes and obstacles and shit. A flood of testosterone-ladem youth on the rampage.

I told my girlfriend, "astig, parang Lord of the Rings! Mga orcs!"

Funny.

happykoko said...

I must admit, must gusto ko na lang manood ng bands sa mga small clubs and venues para lang di ko ma-encounter yung ganong groups. Masyado hassle!

mabait_pagtulog said...

astig! astig astig! i was thinking na baka ang blog na to ay isa lang blog patungkol sa movie na LOTR, pero di pla..(mas better)
hahaha mas enjoy ko tong blog entry na to sa lahat! (isa pang fave ko ang 'pogi rock')
sobrang relate na relate ako dito! nagpunta nga ko once sa isang concert ng sugarfree pero dahil sa mga URUK-hai na yan napagdesisyunan ko nalang umuwi ng maaga kahit na sa harap pa ako nakapwesto! leche tlga sila!

woooohhh pero mas leche ka!

ASTIG KA KC!!!

--peso-- said...

bob ong? : ) marami namang pinoy writers ang tulad ng estilo niya eh. yun nga lang, 'di mo siya mahahagilap para sa inuman dahil walang sinuman ang makapagkwento ng tunay niyang buhay...

btw...who coined "uruk-hai"?

ikaw lang ba tabachoi ang nakaisip nito o talagang matagal na?

tabachoi said...

uruk-hai.. sa barkada namin, yan na yung tawag sa mga punks na yan. parang isang araw "oy pare tingnan mo parang uruk-hai o". tapos lahat nagtawanan. ayun.

JB said...

Hehehe sinimulan ko din tawagin ang mga taong yan na "Mordor" (oo, alam ko Mordor ung lugar, di yung creatures...pero maskulado at nakakatakot ang mga uruk-hai, samantalang ang mga taong tinutukoy natin ay mga payatot...mas pwede siguro goblins) mula nung sinira nila ang mga fence noong isang UP Fair ilang taon na ang nakalips. Dahil sa ugali nila, di na natuloy ang concert, at ikinagalit naming mga nasa loob na nagbayad ng ticket. Mukha tuloy talagang magkakagiyera na parang LOTR habang magkaharap ang dalawang hukbo!! Bakit di nagkagulo? Dahil may modo ang mga nasa loob, at ayaw namin bumaba sa level nila.

Mich=) said...

hehe... subukan mong hanapin ang mga aklat na akda ni Bob Ong:
ABNKKBSNPLAKo?!
Bakit baliktad magbasa ng libro ang Pilipino?
Libro ni Hudas
Alamat ng Gubat
Stainless Longganisa


kanina ang unang pagkakataong naka-experience ako ng urok-hai. sa gig ng pupil sa robinsons novaliches... buti na lang medyo tamed sila... pero may ilan pa ring nasobrahan at hinuli ng security..hehehe...

Mich=) said...

nga pala... nung hindi pa nag-uumpisa yung gig, makikita mo na grupo-grupo sila... hindi magkakakilala... nung nagsimula na, nakakagulat dahil makikita mo silang najo-join forces, at parang gusto mo nang umalis dahil baka any minute maaari kang mapagtripan...

maroon said...

ayokong maging elitista, pero sila ang main reason kung bakit hindi na ako nanonood ng mga open field or free concerts.. the last straw was last year's fete where i can't even get a glimpse of who's playing on the rock stage because of those people looking wasted and smelling like a garbage truck..

BURNS ON THE OTHER SIDE said...

PANALO TO BWAHAHA...SAKIT NG TYAN KO! KAKATAWA HAHAHA....

Anonymous said...

Dapat siguro gumawa ka na rin ng book mo. Yung parang kay Bob Ong. Pareho kayo ng writing style at siguradong magiging patok yang book mo.

TWO THUMBS UP!

Anonymous said...

Dapat siguro gumawa ka na rin ng book mo. Yung parang kay Bob Ong. Pareho kayo ng writing style at siguradong magiging patok yang book mo. TWO THUMBS UP!