Teka teka, nalugi yata ako dun a.
Tapos nun, binili ko yung little sister ko ng Kitchie Nadal album. Natuwa naman sya. Pero after a few months, nung pinapatugtog na yung version ni Kitchie ng Pagsubok sa radyo, lumabas yung repackaged version ng album nya.
Teka teka, nalugi na naman yata ako dun a.
Oo alam kong pera ko lang talaga ang habol ng mga hinayupak na record label na yan. Pero sana naman maging creative sila sa pangongotong. Bakit hindi nila gawing EP yung additional songs sa repackaged bowlsyet nila? Nag-work naman sa Rivermaya yun a nung nilabas nila yung You'll Be Safe Here EP? (although meron pa rin silang repackaged version ng Between The Stars And The Waves)
Gusto kong i-compute yung pwedeng kitain ng EP versus sa paggawa ng repackaged album, at sa tingin ko mas malaki yung kita sa EP:
- Price ng isang Pinoy LP CD: 300
- Price ng EP: 200
- Price ng LP + EP Bundle: 500
- Price ng LP repackaged version: 300
- Difference: 200 pesos
E kung naglabas sila ng EP CD, tapos dun nilagay yung mga additional songs, kahit yung mga bumili ng original version ng LP, bibili pa rin ng EP.
Eto lang ha, sa mga utak sa likod ng mga repackaged album, isang malaking "PACK YOU!".
Hindi na kayo nadagdagan ng pera, binadtrip nyo pa yung mga naunang bumili ng album.
13 comments:
haha. yun nga eh. ganun din yung nangyari sakin sa as the music plays. buti na lang tape lang yung binili ko, kaso, nakapagpa-burn pa ako ng cd. kaya nga ngayon, nagtitiis muna ako, ayoko pang bumili ng light peace love. hihintayin ko na lang yung repackaged. haha.
haha...tama nga naman...kahit yung sa sponge din nde ko na binili...sayang lang talaga sa pera...ewan ko lang a, pero i think most of the fans will go for the EP rather than the repackaged album. diba? sana nga makarating to sa kanila kung ayaw nilang madagdagan pa ang mga pirated...ayus!
inspired ba 'tong artik na 'to ng kakalabas lang na repackaged album ng sugarfree? :P
I hate repackaged albums for pretty much the same reasons. Ugh... Gawa nalang sana ng bago... or ng EP!
Money-milkers lang yan eh.
Everytime nakakakita ako ng repacks, nababadtrip ako... pfft.
hindi to inspired ng kalalabas lang na repackaged album ng Sugarfree. inspired ito ng Fruitcake EP na kahit may tatlong songs lang e binili ko. i took a bite, it was alright. hehe
e kung ganun ba ginawa nila sa mga repackaged, kahit 5 songs lang sa isang EP, kakagat ako e.
For me, my first bitter taste of the whole bullcrap practice was with Missy Eliott's Under Construction album, which I bought the week it came out, then a few months later an expanded version with music videos came out at the same price.
Naiinis ako soooobra dun; it just seems like you're PUNISHING the faithful fans who buy it as soon as it comes out and rewarding the ones who are more indifferent about the artist and need additional convincing.
As a postscript, I haven't bought a Missy Eliott album since....
tama ka! nakakaasar lang kc parang pagtatraydor yung ginagawa nila sa mga bumibili ng mga albums... no wonder mas gugustuhin mo pang maki-burn na lang
yun.... ganun din nangyari sa kin 3 times... (medyo tanga me eh)..
una sa Bamboo tapos sa Sponge, tapos sa ONL!
kaya tiis muna me sa Light Peace Love
hihintayn ko na lng next year!
SUPPORT OPM ARTISTS!!!
BUY PIRATED CDS!!!!
PROMOTE ILLEGAL FILESHARING!!!
i absolutely agree with u pips...kakainis talaga....naiinis na nga ako kahit ndi pa ako nabiktima...nabiktima na kc ung friend ko ng ganitong scheme ng mga music label kaya ako...i really take my time before i buy myself an album...ngeek sayang din kaya ung pera ko..and besides puede naman ako magpa burn for the meantime...mwehehehe...tipid pa un...ay ang sama no??
hehe...
balita ko pinagtatalunan sa worms groups kung maglalabas sila ng repackaged album ng noon time show dahil sa jingle nilang "enervon theme" (ano'ng meron ang taong happy?).
anyway...nakakabadtrip talaga ang mga reFUCKaged albums. lalo na sa rivermaya at sa ONL, doon ako nabwiset! gayunpaman...natutuwa ako dahil yung cd ko ng ONL 2nd album eh yug unang package release nila (yung may flippers pa).
kung maglalabas ang itchies ng nts repackaged. sige, bibilhin ko...alang-alang sa bandang kasalukuyan kong sinusuportahan. pero naniniwala kong hindi nila gagwin yun dahil maka-tao si kuya jazz at dapat iboto sadarationg na eleksiyon.
tama ka rin, taba. gawing ep. para may karapatang mainggit yung mga hindi nakaavail ng kopya!
: ) haba 'no?
dapat kasi gawin na lang na parang sa japanese music industry ang patarakan.
kasi dun pag may recording artist. SINGLE lng muna ang nilalabas. yung bang 2 to 4 songs ang nandun. kunwari yung mayonnaise. yung jopay single jopay lang ang laman. tapos may remix o ibang version ng jopay dun sa single. so prang 4 songs lang. tapos pag naka 3 singles na. tsaka lang maglalabas ng album. na meron dun sa single pero minus the b-sides(remix, acoustic e.g. of the single song). kung may bago na namang song yung certain artist, e di wag na maglabas ng repackage. yung singles na lang.
oo nga. kahit ako eh, naiinis ako everytime a repackaged album comes out. it happened to me sa isang aLbum. mtgaL n cLang may aLbum pero nung na-reLease Lang yung isang single nila, tska aq bumiLi.. that was August. nadisappoint pa nga aq kc nde yun yung version na pinpLay sa mga radio stations. 1 month later, may lumabas na repackaged album. bumiLi ako uLet mLamang. pero nakakainis lang kc sayang diba. super sayang. i had no idea naman n magLaLabas pLa cLa ng repackaged. tapos nakakainis pa lalo kc everytym they perform in a maLL, you have to buy their aLbum for an entrance. and so bumiLi na naman aq uLet. parang.. ang sayang lang. tho i understand them nmn kc independent cla, at may distributer lang tlga cla. for the other aLbums naman, ayun mejo nakakainis din. kc diba, bat di nio na lang i-reLease yung aLbum ng yun na? with the bonus tracks and all? ang dating 2loy pine-perahan lang nila tayo. better idea nga cguro yung mag-release na lang cla ng EP with all the bonus tracks rather than coming up with a repackaged aLbum na same price ng originaL. what a waste. i could've bought another aLbum instead of the repackaged diba? la lang.. :)
~ cha..ΓΌ
Post a Comment